Masama bang Magtanong?

46 5 4
                                    

Masama bang Magtanong?

Perpekto ang tao,
sabi ng kaklase ko.
Tayo raw ay nilikha,
ayon sa modelo ng lumikha.

Ngunit ang diyos mo at ikaw ay naiiba.
Maraming nalulunod, ilan lang ang nasasalba.
Umiiyak ang marami, humihingi ng dispensa.
Dahil sa pagkakamaling itinahi ng tadhana sa kanila.

Kaya naman tinanong ko siya,
Bakit siya ang nagpapasiya ng tama at maling polisiya?
Malaya tayong gawin ang ating kagustuhan.
Ngunit tandaan—'wag magpapakulong sa nakasanayan.

Nagalit sa'kin ang aking kaklase.
Masyadong nag-iisip, 'yan ang kanyang sinabi.
Ngunit pag-iisip ay parte ng pagiging tao.
Patunay na nagkasala ang mga santo.

Bakit nasa hardin ang ahas,
at hinayaan itong maging pangahas?
Bakit tayo kailangang subukin,
para papasukin?

Masama bang kuwestiyunin ang buhay,
Kung bakit tayo humihinga at may malay?
Ako'y nagtatanong,
hindi naghahamon ng sabong.

Sinaksak ng PanulatWhere stories live. Discover now