Pagsinghot

34 2 0
                                    


Pagsinghot


Masarap suminghot ng pahina ng mga lumang libro
Tila nagbabagang marijuana
na sinisindi sa gabi,
kapag tulog na ang buong pamilya.

Upang 'di mahuli sa eskwela, 
minsa'y nagkukubli bilang panulat
upang 'di mahalata
ang pangangapa.

Sa likod ng gusali,

nagtatago ako't nagsisindi
Dinadala sa kalangitan
na sa huli'y nagiging kahibangan.

Nakalutang sa isip, sarap sa pagkabog ng dibdib
nakakakalmang huni ng hangin.
Mala-paraisong musika sa tenga
sigla't sarap ng nakanganga.

Pero ang totoo, nauubusan na ako.
Laging nangangapa ng lugar sa globo.
Hinahanap kung alin ang totoo,
sa mundong puno ng mga sinungaling na tao.

Nauubusan na ng pasensiya sa paulit-ulit na kataga.
Nauubusan ng lakas ng loob mabuhay sa mundo.
Ng tapang na harapin ang mga tao,
dahil sa hiyang kinikimkim ko.

Ramdam ko sa sarili ko ang pagiging salot,

kaya sa loreta ni kamatayan,
mga gaya ko ang nabubunot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sinaksak ng PanulatWhere stories live. Discover now