Chapter 2

1.8M 61.8K 48.7K
                                    

Chapter 2: Hell

Zein's Point of View

Nakabusangot na pinanuod kong umakyat si Dora sa mataas na burol kasama si Boots.

"Ace?"

"Hmmm?"

Mas lalo akong napanguso nang hindi man lang nya ako lingunin. Nakatuon ang buong atensyon nito sa laptop nya at busy na nagtatype.

Sunday ngayon at walang pasok pero sa halip na umuwi kami ay nanatili na lang kami sa condo gaya ng request ni Ace. Akala ko magbobonding kami 'yon pala ay hahayaan nya akong manuod ng Dora buong hapon habang sya ay busy sa paglalaptop.

Naiintindihan ko naman na kailangan nyang magsipag para kahit papaano ay makatulong na sya kay Raze pero ano ba naman 'yong isang araw lang na ako na muna? Sa loob ng dalawang taon ay halos ganito na ang eksena namin. Third year college na kami, wala namang nagbago sa amin maliban na lang sa ganito.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya kinapa ko ito sa bulsa ko. As usual ay hindi ako pansin ni Alas.

From: Cedric

"Lahat ng President ng bawat course, may emergency meeting tayo ngayon."

Napanguso na lang ako. Ako kasi ang President ng HRM Department. Nakakainis naman na kahit linggo ay may meeting. Bwisit na SSC President na 'yon.

"Ace?"

"Hmmm?"

Hmmm na naman? Nakakainis. Mabuti na siguro na umalis na muna ako total bored na ako.

"Aalis muna ako."

Biglang umangat ang tingin nya. Finally! "Where?" Tanong nito bago kumuha ng cookies na binake ko kanina.

"Meeting,"

Tumayo na ako mula sa pagkakaindian seat at naglakad na pabalik sa kwarto ko. Matapos kong maligo at mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto.

Nadatnan kong nakasandal sa sofa si Ace habang nakatingin sa T.V pero nang marinig nya ang kaluskos ko ay sa akin napunta ang atensyon nya.

Sinuri nya ang buong katawan ko bago kumunot ang noo nito. "Meeting or date?" He asked.

Naglakad ako papunta sa salamin sa tabi ng T.V at pinagmasdan ang sarili ko. Normal lang naman sa babaeng katulad ko ang mag-ayos nang ganito. Gusto ko pa rin namang maging presentable sa harap ng mga tao.

"I'm coming..."

Sinamaan ko sya ng tingin. Nakatayo na ngayon ito sa harap ko habang nakahalukipkip. Naka short ito at sandong gray. Nanatili ang kunot ng kanyang noo at kilay.

"No need. Gawin mo na lang kung anong ginagawa mo."

"No. Darling, I'll go with you."

Napangiwi na lang ako nang magmartsa na ito papunta sa kwarto nya. Mabilis na kinuha ko ang shoulder bag ko at kumaripas ng takbo palabas.

Halos madulas pa ako sa marmol na sahig sa pagmamadali. Bwisit kasi! Hindi naman nya kailangang sumama sa lahat ng lakad ko.

Nagpara ako ng taxi at sinabi ang cafe na meeting place namin.

***

Ace's Point of View

Napailing na lang ako nang wala na akong madatnan sa salas kundi ang nakabukas kong laptop at T.V.

That girl! Huwag lang syang makipagkita sa kahit na kaninong lalaki. Try me, Zein. Itatali na talaga kitang babae ka.

Hinubad ko ang pants na suot ko at nagshort na lang. Pinatay ko na ang T.V at niligpit ang mga papel na nakakalat.

Chasing Hell (PUBLISHED)Where stories live. Discover now