Chapter 38

1.1M 46.7K 23.4K
                                    

Chapter 38: The Revelation (Part 1)

Allison's Point of View

Dugo...

Nakita ko ang pagpatak ng dugo mula sa kanyang kamay nang basagin nya ang babasagin na baso gamit ang kanyang kamay. Nanatili ang kanyang naguguluhang mata sa akin, hindi alintana ang dugo sa kanyang kamay.

"What? Tell me, I heard it wrong."

I saw pain in his eyes while saying those words. Hindi ko nagawang makasagot dahil hindi ko mapigilan ang hikbi sa aking bibig at kung may anong nakabara sa aking lalamunan.

Malabo na ang mata ko dahil sa kapal ng luha rito ngunit mas nangingibabaw sa akin ang hapdi. Ang hapdi sa loob na sa ikalawang pagkakataon ay nasaktan ko na naman sya.

"Allison. Tell me please..."

"L-Lux... Hindi mo ako nakilala bilang Allison. I introduced myself as Samantha."

Nanatili ang pagkakunot ng kanyang noo ngunit hindi katulad ng kanina ay malinaw na nakikita ko ngayon sa kanyang mata ang sakit at hapdi. Ibinabalik ko ang nakaraan na matagal na nyang ibinaon.

Mahina itong natawa bago tumingin sa kanyang kamay. Napatakip ako sa aking bibig nang ipakita nya sa akin ang mga bubog sa kanyang kamay.

"Hindi ko maintindihan ngunit," nanginig ang kanyang kamay bago binagsak sa sahih ang mga bubog. "Nasasaktan ako. Mas masakit pa sa dumudugo kong kamay. Bakit?" Kinagat nito ang kanyang labi para pigilan ang kanyang emosyon.

Halos manlambot ako nang makita ang panunubig ng kanyang mga mata. Oh, fuck this life! I hate my life. I hate myself for hurting this man. Hindi ko na ba maitatama ang mali ko? Yes, I think.

"But, I still don't believe you." Mahina itong tumawa muli. "Imposibleng naging secretary ka kasi si Samantha ang kauna-unahang naging secretary ng Hell University and please... Don't use her name." Nakita ko ang pagdaan ng galit sa kanyang mata.

Oh, God! Paano ko ba ipapaintindi sa kanya? Kaya nya bang intindihin? Siguro, oo. Maiintindihan nya ako ngunit hindi nya ako mapapatawad.

"Three newbies," banggit ko na ikinatigil nya. "Hanz, Winzy, Samantha." Naging mas matikas ang kanyang mata nang banggitin ko ang pang huling pangalan.

"Sa tingin mo, mapapaniwala mo ako? Malamang na ginamit mo lang ang skills mo para makuha ang mga impormasyon na ito. Stop this shit. Huwag na huwag mo nang babanggitin ang pangalan nya."

Mariin kong pinunasan ang mata ko at kahit papaano ay nakaramdam din ako ng galit sa mga sinabi nya.

Siya na naman...

"Ganon ba?" Tanong ko. "Pero, may alam akong hindi mo alam at kami lang ang nakakaalam." Ngumisi ako.

Pumikit ako ng ilang segundo habang inaalala ang kasalanan ko sa kanila. Isa lang ang tumatakbo sa aking isipan sa mga sandaling ito, 'pag katapos ng gabing ito ay mag-iisa na lang ako.

Nawala na sa akin ang pamilya ko. Nawawala na sa akin ang kapatid ko at mawawala na sa akin ang lalaking 'to. Paano ko pa ba haharapin ang bukas? Shit. Kailangan kong maging matatag.

"Hindi na ako interesado." Malamig na sambit nito bago lumapit kay Ace na pinapatahan si Zein na humahagulgol.

I'm sorry... I really am.

Hindi ko gustong maglihim sa iyo. Nabigo kita, kapatid ko. Hindi mo na ako mapapatawad, alam ko. Pero sana, mapatawad mo si Ace.

Si Ace na nadamay lang dahil sa akin... Salamat. Salamat kasi hanggang dito, sa pinakamasakit na bahagi ng pagtatapos ng mga sikreto ay prinotektahan mo pa rin ako. Habang buhay akong magpapasalamat sa'yo at tatanawin ko itong utang na loob. Salamat... Salamat, Alas.

Chasing Hell (PUBLISHED)Where stories live. Discover now