Chapter 7

1.6M 56.8K 55.6K
                                    

Chapter 7: Virus

Ace's Point of View

Hindi ko maalis ang mga mata ko sa cake na nasa harap ko. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Masaya? Sobra. I love her efforts... there's no small things when it comes to her... It's all huge for me.

'Darling, I love you.' Yan ang mga nakaukit sa cake na binabalutan ng mga disenyo.

Tumayo ako at ibinalik muli sa loob ng refrigerator ang cake. Wala akong balak kainin ito, I will make it a souvenir. Gusto kong alalahanin lahat ng ginawa nya sa akin para may dahilan ako balang araw para pigilan lahat ng mga pagsisisihan kong desisyon.

"Gising ka pa?"

Nabalin sa likod ko ang aking tingin. Pumupungay ang inaantok na mata ni Zein habang nakatingin sa akin. Naka pajama na ito na Dora.

"Just visiting my baby..."

Kumunot ang noo nya at saglit na iginala ang mata sa kusina. Napangiti na lang ako nang ngumuso sya. "Pinagloloko mo ba ako?" Mejo irita nyang tanong.

Umiling ako at inakbayan sya. "Pinatulog ko na si baby... Darling, it is your turn now." Bulong ko.

Siniko nya ako na ikinatawa ko. "Sino bang baby ang tinutukoy mo?" Tanong nya habang papasok kami sa kwarto nya.

Napailing na lang ako nang makita ang magulo nyang kama. She really is a mess. Hindi man lang ba sya naaalibadbaran sa gulo ng paligid nya? Nakakatulog pa ba sya sa lagay ng kwarto nya?

"I am asking you, Ace."

Hinawakan ko ang bedsheet nya at inayos. "You should know how to clean a mess." Sermon ko habang inaayos ang mga unan nyang nasa sahig na. "Paano na lang kapag nag-asawa ka na?" Tanong ko pa habang inaayos ang mga librong nasa sahig at inayos sa maliit na drawer. "Ayokong araw-araw mag-ayos ng kalat mo." Wika ko pa bago kinandado ang mga bintana at inayos ang kurtina.


Nang matapos na ako ay binalingan ko ng tingin si Zein na titig na titig sa akin. "Gaano ka kasigurado na ikaw ang magiging asawa ko?" Tanong nito.

Sinenyasan ko syang umupo sa tabi ko. Pinatalikod ko sya sa akin at gamit ang kinuha kong suklay ay inayos ko ang magulo nyang buhok. Napangiti na lang ako habang iniisip na habang-buhay kong gagawin ito. Handa akong maging alipin nya... It's a pleasure for me.

"I am destined to be with you forever." Bulong ko. "I want you to write your name with Craige as your surname." Dugtong ko pa.

I can't wait for that time. Gusto ko na syang makitang naglalakad papunta sa altar kung saan ako naghihintay. I want her beside me when I close my eyes until I open it. I want her to be the mother of my babies. It's only her... It's only Zein Shion.

"Alam mo bang kinikilig ako?" Tanong nya.

Iniharap ko na sya sa akin nang matapos na ako. Namumula nga ang mukha nito at halos hindi makatingin sa akin. Napangiti akong muli... Hinding-hindi ako magsasawang ngumiti.

"I still want you beside me until my last breath..." I whispered. "Matulog ka na." I kissed her forehead pero mukhang hindi sya satisfied don dahil hinalikan nya pa ako sa labi.

I bit my lower lip as I watch her lie down beside me and smiling closed her eyes. "I love you, good night." She whispered.

Tumayo na ako at pinatay ang ilaw. "I love you too, good night." I answered as I lie beside her and hug her back.

Chasing Hell (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon