Ang pinagmulan

125 1 0
                                    

Baka sa tingin mo, walang kwenta tong ibabahagi ko, pero hindi man kapanipaniwala, o imposible man. Maniwala ka kailangan mong malaman to. Kahit parang jino-joke kita, pero maniwala ka....

Noong unang panahon(Yes, pinagmulan nga eh!)...ilang daang taon ng nakalipas(mas matanda pa sa ninuno mo, ninuno ko, ninuno nating lahat), merong kasunduan sa pagitan ng dalawang mundo. Ang unang mundo ay tinatawag na Boliga, ang  mas matandang mundo kesa sa isa. Ang mga tao dito mas malago, ang pamumuhay ay  mas maayos....Yung kabilang mundo, na tinatawag na Lixtra, bilang mas bata sa kabilang mundo, ganun din ung nakatira,medyo magulo pa, walang kaayusan. Ang  mga tao sa Lixtra ay natututo pa lang at naghahanap pa ng paglago.

Ang kasunduan ay patungkol sa pag sugpo ng mga masasamang elemento na gumugulo sa parehong mundo. Ang isang mundo ay gumawa ng paraan para maisalba ang lahat, nagsakripisyo ng malaki para sa ikabubuti ng lahat at matalo ang masamang elemento. Ang kabilang mundo, bilang ganti sa sakripisyo at sa kasunduan ay patuloy na po-protektahan ang natira sa parehong mundo sa habang panahon.

Naging maayos ang kasunduang ito ng mahabang panahon. Hanggang may isang tamahika ang sumuway  sa kasunduan ng hindi sinasadya(pero sa totoo lang, medyo sinadya...)Ano kaya ang kahihinatnan?


Gabay sa mga terms:

Pasensya na sa mga descriptions ko:)

Tamahika  - Nilalang na may kakayahang kumuha ng mahika

Boliga  - Isang mundo, mas nakakatandan mundo

 Lixtra - Isa pang  mundo, mas bata na mundo 

TamahikaWhere stories live. Discover now