5: Pinikit ni Carla ang kanyang mga mata

29 0 0
                                    

Pumikit si Carla. Ilang saglit lang ay parang hindi niya na kailangan pang magtanong ay Dex. Parang alam na ng mahika sa loob nya ang dapat gawin. Ang mga kamay nyang na nasa gilid ay itinaas nya pa-abot sa kisame habang naka yukom.

"Angat", bulong niya, mahina pero malinaw na sabi nya habang nakapikit pa din. Ilang saglit lang ay nakaramdam siya ng kamay sa braso nya.

"Buksan mo mata mo", sabi ni Dex. Bahagyang buniksan ni Carla ang mga mata. Ang una niyang nakita ay ang mga mata ni Dex, na nakatitig din sa kanya. Unti-unti na nyang binuksan ang mga mata niya.

"Sa'kin ka lang tumingin, "  sabi ni Dex, "at mag-focus ka," patuloy nya.

Bumilis ang tibok ng puso ni Carla, sabay ng pagbilis ng kanyang paghinga. Kaya naman sinubukan niyang pabagalin ang hinga ang ikalma ang balikat. Sa utak nya ay paulit-ulit pa din nyang sinasabing, "Angat, angat, angat."

"OK, " sabi ni Dex, "subukan mo kayang buksan palad mo, at hawakan yung kisame?"

Nanlaki ang mata ni Carla. Tumingala siya at nakita na ang mga ulap ng kisame ay abot-kamay na nga niya! Napahinga nga siya ng malalim sabay tingin sa ibaba niya, at nagulat siya ng makita kung gaano na soya kalayo sa sahig.

Winagayway niya ang mga paa niya ng ilang beses, namamangha na nakalutang siya sa ere.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Dex. "Sa totoo lang, hindi magandang ideya na tumingin ka na sa baba", tawa niya.

"Ayos lang ako, " dahan-dahang sabi ni Carla, habang nasa mukha pa din niya ang pagkamangha. Nakakatakot na may halong pasaya ang nararamdaman ni Carla dahilan para mapangiti siya.

Muli tumingala si Carla sa kisame at nag-angat ng isang kamay, bukas-palad, niyang inabot ang mga ulap. Takot na baka mahulog siya ngunit hindi nangyari.

Na-abot nya ang makukulay na ulap atramdam nya ang kiliti sa mga daliri habang nilalaro ito.

"Wow", sabi ni Carla. "Wow"

"Magaling," sabi ni Dex. "Karamihan ay nahuhulog sa unang pagsubok nila."

Tumingin si Carla kay Dex, habang namamangha pa din na nakakapag usap sila habang nakalutang sa ere.

"Nahulog ka ba nung una mong subok?" usisa ni Carla. Napahinto si Dex.

"Oo, " pag-amin ni Dex. Sabay ngiti, "Pero ilang segundo lang akong nalaglag, tapos napa-angat ko na ulit sarili ko, kaya hindi ko masasabing nahulog talaga ako."

Ngumiti pabalik si Carla. Sa pagkakataon na iyon, manghang-mangha siya at sobrang saya, kaya wala na siyang paki-ala kung sino ba sa kanilang dalawa ang mas magaling.

Tumingin muli si Carla sa kisame at napansing ang mga ulap ay tila bumubulong sa kanya, kasabay ng parang kuryente na dumaloy sa mga daliri nya. 

Muli siyang humarap kay Dex, bigla niyang naalala ang pilak na sibolo sa damit nito. Ang gitna ng bituwin ay hindi umiikot. Tinitigan niya ito at sinubukang abutin.

Dahan-dahang umikot ito, sa umpisa ay mabagal at bumilis ng bumili habang papalapit ng papalapit ang mga kamay niya. Binawi nya nag mga kamay at bumagal muli ang ikot ng mga ito.

"Anong ibig sabihin nyan?" tanong ni Carla. "Para saan at bakit umiikot yan?"

Inabot ni Dex at pinatong ang kamay niya sa balikat ni Carla, at dahan-dahan silang bumaba pabalik sa sahig. Bakas sa mukha niya ang kaseryosohan.

"Sasabihin ko sa'yo lahat lang ng alam ko, " buntong-hininga niya. "Umupo muna tayo." Naglakad sila pabalik sa gilid ng bintana at bumalik sa dati nilang pwesto. Bumalik ang tingin ni Carla sa kisame, iniisip pa din yung mga nangyari. Isa na 'to sa mga hindi kapani-paniwalang araw sa tala ng buhay ni Carla. Bumalik muli ang tingin nya kay Dex, at nagsimula ng magkwento si Dex.

TamahikaWhere stories live. Discover now