6: Na-hook si Dex

27 0 0
                                    

Ilang saglit lamang, narinig na ni Carla si Dex, "Woah! Hindi ako makapaniwala!" saad nito. At kabadong binuksan ni Carla ang mga mata niya.

Sa umpisa ay hindi rin makapaniwala si Carla sa nakikita.

"Kahit ako man, " mahinang saad ni Carla kay Dex. Nakabalik sila sa bakuran nila Carla, at naririnig niya ang pahinang boses ng nanay at kapatid niya sa hindi kalayuan na papunta sa parke para magbisikleta.

Ang lahat ay eksaktong tulad nang dati ng dumating si Dex noong umaga. Sa totoo lang, parang ito mismo yung umagang iyon, parang bumalik siya sa oras.

Napasimangot si Carla.

"Anong nangyari sa isa pang ako?" pagtataka niya. " Ibig kong sabihin, sa eksaktong oras na 'to, nandoon ako sa puno."

"Walang isa pang ikaw, " sagot ni Dex habang umiiling. "Ang lahat ay bumalik sa dati, maliban syempre sayo, habang nasa lagos-mahika tayo."

"Ibig mong sabihin nawala yung dating ako na nasa punong yun?" sabay turo ni Carla sa puno. "Pambihira!"

"Hindi naman sa ganun," pagsagot ni Dex. "Hindi pwedeng magkaroon ng isa pang ikaw. Sa oras na gumamit tayo ng mahika pabalik mula sa lagos-mahika, ang dadatnan nating oras ang kasalukuyan. Ibig sabihin, yung panahon na nasa puno ka ay hindi na totoo, ito na ang totoong kasalukuyan."

"Ibig sabihin pwede mong baguhin ung nakaraan?" usisa ni Carla.

"Hindi din," sagot ni Dex. "Ang lagos-mahika ay may alaala lamang sa nakalipas na oras, hindi ka na pwedeng bumalik pa sa mas matagal pa doon. Ginawang ganoon ang mga lagos-mahika para pwede naming ulitin mga hindi inaasang pangyayari sa pag-aani namin kung kinakailangan."

Napansin ni Carla na parang biglang hindi komportable si Dex, at naintindian niya kung ano ang sinasabi ni Dex.

"Para pag may nakakita sa inyo, katulad ko, pwede kayong bumalik at iwasan ulit ang mga pangyayari?" pagsiguro ni Carla. "Bakit hindi mo ginawa dati?"

"Kasi nga, kailangang bukas ang simbolo para magamit ko ang mahikang yun ng lagos-mahika. Kailangan ko munang tumanda bago ko magawa yun. Hindi ko naman kayang buksan 'to noon, ngayon lang. Sabi ko sa'yo kanina kinailangan ko ng matinding konsentrasyon para magawang bumiyahe mag-isa.

Kung nagkataong sinabi ko sa nakakatandang tamahika, malamang makakarating sa kunseho yun. At ang lahat ng ito...tayo, ngayong araw...ay hindi nangyari."

Bigla siyang nagmukhang seryoso, " Wala akong pinagsisisihan sa desisyon ko."

Hindi naman sumalungat si Carla sa kanya. Sa kabila ng takot niya sa mga utos at sa kunseho, hindi niya maisip na bumalik sa dati at kalimutan ang lahat ng 'to. Nakakatakot sobra, pero nakakapukaw at nakakatuwa.

Tumingin sila sa isa't isa, at nagsimulang ngumiti si Carla.

"Hindi talaga kapanipaniwala ang mga nangyari ngayong araw, " sabi ni Carla, habang umiiling iling. Lumakad siya pabalik sa mesa sa may bakuran nila at kinuha ang bote ng tubig na ininuman niya noong kumain sila sa labas.

Nagulat siya na maramdaman niyang medyo malamig pa ang tubig. Naisip niya, malamang, kalahating oras palamang ang nakalipas noong matapos silang kumain noong dumating si Dex, sa eksaktong oras na yun. Uminom siya ng matagal, at bumaling muli kay Dex, inalok ang tubig. Masayang kinuha niya ito kay Carla, at inubos ang natitirang tubig.

"Ano na ngayon?" tanong ni Carla.

"Kahit anong pang kagulat-gulat sa araw na'to, "pasimula ni Dex, "kahit hindi man kapanipaniwala sabi mo nga, sa kasamaang palad hindi natin nakuha ang sagot sa mga tanong natin."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TamahikaWhere stories live. Discover now