2: Ang paghawak ni Carla sa puno

74 1 0
                                    

"Anong basehan para malaman kung isa ka ng magaling na Tamahika?" tanong isang lalaki.

"Disiplina," sagot ni Dex agad-agad.

"Tama!" sabi ng lalaki, na lumakas ang boses sabay suntok sa mesa. Napa-angat ng tingin si Dex, na tila walang paki-alam sa namumuong galit ng nagsalita. Sanay na siya sa pagalit ng tatay nya dahil madalas silang magsalungat.

Si Tohel ay isang malakas, matangkad na lalaki. Kulay itim din ang buhok nya tulad ng sa anak niya, pero medyo may iilang puting buhok na din siya, nagpapakitang tumatanda na siya. Parehas sila ng damit na may simbolo ng bituwin na may pitong sinag. Miyembro siya ng Mataas ng konseho ng Drova, at determinadong isunod sa yapak niya ang anak.

Nasa sala sila ng Mansion ng Malurin, ang pinaka bahay ng pamilya nila. Ito ay isang malaking gusali, gawa sa bato , itim ang mga bintana at ang bubungan. At sa loob naman ay ganun din, pero may magagandang kagamitan na sakto sa pagkatao ni Tohel.

"Dex, nakikinig ka ba?" Malakas na tanong ni Tohel sa anak. "Hindi ko 'to inuulit-ulit sa'yo dahil gusto ko lang. Sa lipunan natin, ang natitirang mga Tamahika ay yung mga sumusunod sa patakaran. HIndi mo alam gaano katindi ang magiging parusa at kahihinatnan ng hindi mo pagsunod."

Pag ikaw ang nakarining ng mga ganitong salita, magtatanda ka na. Hindi ka na uulit. Pero para kay Dex, madaming beses na niyang narinig, parang sirang plaka, paulit ulit at nakakasawa na. Hindi na rin siya masyadong apektado sa mga sinanabi ng ama nya.

"Opo,Pa," walang ganang sagot ni Dex.

"Kaya mong maging magaling na Tamahika," sabi ni Tohel. "Baka nga mas magaling ka pa sakin." At sasinabing yun ng ama, napangiti ng bahagya si Dex.

Hindi naman masamang tao ang tatay nya, pero simula ng mamatay ang nanay siya noong 3 taon pa lang siya, naging mahigpit, strikto at dapat laging nasusunod.

Sa tinging ni Dex, nagmana siya sa nanay nya. Mapagbiro at medyo pasaway. Yung tipong hindi sa lahat ng bagay ay susundin nya, lalo na sa kahigpitan ng tatay nya.

At alam naman nating, hindi magiging magandang ang kalalabasan  ng ganitong ugali.

"Dex, pag pumunta ka pa ulit sa Lixtra na sikat na sakit ang araw, wala na akong ibang parusa kundi ipagbawal ang pag-ani mo ng mahika. Hindi pwedeng nagpapatupad ako ng mga batas, pero sarili kong anak hindi ko mapatino. Hindi ka na pwedeng umapila pa."

Tumayo siya sa pagkaka-upo at tumitig sa anak, puno ng pagkadismaya. Nagsasabi siya ng katotohanan, si Dex ang pinaka-magaling sa klase nya, at sa mga nakalipas na klase noong panahon ni Tohel. At si Dex din ang pinaka magaling na Tamahika sa kasaysayan ng Drova.

Pero wala na talaga siyang magagawang pagkunsinti sa pagsuway ng kanyang anak sa mga pinamumuhay nilang patakaran. Himala na nga lang na wala pang masamang nangyari sa ilang beses niyang pagsuway.

"Pa?" tanong ni Dex, habang paalis na si Tohel.

"Ano?" iritableng sagot ni Tohel na.

"Ano ba talaga ang mangyayari pag hindi nasunod ang patakaran? Lagi na lang sinasabing mapanganib, pero wala pang nagpatunay kung ano ba talaga ang eksaktong mangyayari."

"Bata ka pa", bugtong-hininga ni Tohel. "Habang wala ka pa sa tamang edad na labing-walo , hindi ka pa pwedeng pagkatiwalaan ng mga ganun inpormasyon. Alam mo 'to, ba't tinatanong mo pa ulit?"

Nag-kibit balikat lamang si Dex. Umalis na si Tohel sa kwarto at wala ng ibang sinabi, dahil meron pa siyang pupuntahang pulong sa hapon. At sa pagtitipon na'yon ay mapag-uusapan din nila ang bagong patakaran at plano sa pagbisita sa Lixtra, at mag-ani ng mahika.

TamahikaWhere stories live. Discover now