Chapter 1

122K 3K 308
                                    


CHAPTER 1

68 unread messages.

Scroll down.

Halos pare-parehas lang sila ng sinasabi. Thank you for inspiring me. Salamat sa mga advice ate. Ang galing mo po magbigay ng advice.Ang ganda po ng blogs niyo. Ang ganda po ng mga lugar na napuntahan niyo. Fighting Unnie!

Mamaya ko na sila rereplyan. Nakakataba ng puso pero ayaw ko naman na pare-pareho ang irereply ko sa kanila.

Ititigil ko na sana ang pagbabasa pero nakita ko ang isang message na galing sa username na 'MonthOfAugust'

MonthOfAugust:

Hi! I don't usually do this pero ginagawa ko na ngayon. Tangina huwag mo ako husgahan, ah. Oo na lalaki ako pero kailangan ko lang talaga ng tulong mo. Yung nililigawan ko kasi ay idol na idol ka tapos hindi ko alam kung ano yung nagawa kong kasalanan. Galit na galit siya sa akin ngayon. Pwede bang i-mention mo siya sa next blog mo? Cathy ang pangalan. Pakisabi naman na sorry kung may nagawa akong mali. Huwag ka na magalit sa akin. Bati na tayo. From August. Maraming salamat! Tatanawin kong malaking utang na loob! Kung hindi mo siya imemention ha-huntingin kita! Pag ginawa mo 'to ililibre kita ng kahit ano.

Agad akong natawa dahil sa nabasa ko. Hindi ko alam kung ilang taon na sila pero dahil good mood ako ngayon ay papayag ako.

LovelyC:

'Kay sure! Basta ba mabait ka at hindi manloloko at 18 up na! Ayaw kong mangunsinti ng mga bata, e! :)

Wala pang ilang minuto ay kaagad akong nakakuha ng reply mula sa kanya.

MonthOfAugust:

Don't worry. 21 na ako. Loyal at hindi babaero. ;)

Loyal at hindi babaero pero may wink? Loko rin 'to, e.



Cupid Gone Wrong حيث تعيش القصص. اكتشف الآن