Chapter 3

54.7K 2.1K 106
                                    


CHAPTER 3

"Lovely!" Hinihingal na lumapit sa akin ang kaibigan kong si Kristin. Mukhang hinabol niya ako galing sa kalayuan. "Magpapirma na tayo ng letter kay Ms. Raquel.Nandyan na siya, e. Para makapaghanap na tayo ng pag ojt-han sa bakasyon."

Pinapirma na namin ang lahat ng ipapapirma kay Ms. Raquel bago kami umuwi ni Kristin. Magkasama kami ni Kristin sa apartment. Tig-isa kami ng kwarto pero madalas ay doon pa rin siya sa kwarto ko natutulog. Isa siya sa mga nakakaalam na ako si LovelyC, ang kilalang blogger ngayon. Hindi pa ako nagpapakita ng mukha ko kaya peaceful naman ang outside world ko.

Nagbukas ako ng laptop ko at nagbasa ng messages. May mga nanghihingi ng advice kaya naman sinasagot ko ang mga iyon through blog na lang din. Ang iba kasi ay pareho lang naman ng tanong. Minsan ay humihingi rin ako ng opinyon kay Kristin.

"Dapat talaga maglabas ka na ng book mo tungkol sa mga ganyan.Uso yon, e. Tapos kapag may royalty ka na ay hatian mo ako. Since, tinutulungan naman kita."

"Tigilan mo ako Kristin, ah." Sagot ko rito bago muling nag-scroll ng messages.

MonthOfAugust:

Saan maganda dalhin ang nililigawan?

LovelyC:

Ano ba ang hilig niya?

MonthOfAugust:

Anak ng! Cosplay? Sige salamat!

"Alam mo Lovely, dapat pinopost mo na yung mukha mo dyan, e."

"Sira.Ayoko naman."

"Kahit kalahati lang! Walang makakakilala sa'yo niyan.Hindi naman mahilig ng blogs yung mga kaklase natin kaya no worries."

"Sure?"

"Oo nga!"

Napakamot na lang ako ng ulo ko nang magpakita si Kristin ng picture ko. Gawin ko raw iyong DP ko sa blog ko. Ipakita ko raw kahit kalahati lang ng mukha ko. Mukhang hindi naman ako makikilala kaya pumayag na ako. Pinalitan ko ang DP ko na kaagad naman napansin ng mga nakafollow sa akin.

Ang ganda ko raw. Napapost tuloy ako ng 'Mga echosera kayo! half pa lang yan. Hintayin niyo buong mukha ko! Joke! Love you. :D'

Cupid Gone Wrong Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang