Chapter 36

29.8K 1.3K 176
                                    


CHAPTER 36

First day na ulit ng school bukas pero heto ako't kausap ko pa ngayon si August sa call. Wala pa si Kristin ngayon sa apartment kaya naman mag-isa ako. Umuwi kasi siya sa kanila.

"Ni-lock mo na yung pinto mo?" Tanong ulit ni August. Pangatlong tanong na nga niya ito ngayon.

"Opo na lock na po kanina pa po." Sagot ko na naman. Pero kahit paulit-ulit siya ay kinikilig pa rin ako sa pagkacaring niya.

Nakahiga na nga ako sa kama ko ngayon dahil maaga akong papasok bukas. May sched kasi ako ng 9am bukas pero hopefully ay mabago pa yun. Ang sabi kasi nila ay hindi pa talaga ayos yung sced ng block namin.

"Hindi mo kasi sinabi sa akin ng mas maaga. Edi sana nasamahan kita."

"Hindi naman kelangan ng kasama saka sanay naman akong naiiwan. Aalis ka rin naman mamaya."

"Syempre hindi mo naman maaalis sa akin na mag-alala ako, love."

"Maglock ka dyan sa kwarto mo." Dagdag pa nito kaya naman napangiti na lang ako't napasagot ng oo.

Wala pa siyang pasok bukas kaya naman pwedeng-pwede siyang magpuyat kaya lang ang alam ko ay may pupuntahan sila ng family niya. Pupunta raw silang Japan at flight daw nila mamaya.

"Anong oras ulit ang flight mo?"

"4am. Nag-aayos na nga kami ng dadalhin. Bibisita lang kay lola."

"Ah! Japayuki ka nga pala, no?" Natatawa kong pang-asar sa kanya. Natawa rin naman siya ng bahagya. "Si papa mo ang half, no? Sino palang kasama mo?" tanong ko pa rito.

"Oo papa ko nga. Kasama ko sila Jace, yung pinsan ko. Tanda mo pa?"

"Oo. Sa gwapo ba naman nun? Syempre tanda ko." Pang-asar ko ulit kay Agosto.

"Love naman. Ako lang dapat yung gwapo."

"Ikaw naman yung pinakagwapo sa paningin ko, e. Huwag kang mag-alala."

"Siguro kaya mo ako sinagot kasi gwapo ako?" Lungkut-lungkutan pa yung boses niya kaya natawa tuloy ako bigla.

"Ang kapal love, ah." Sabi ko rito. "Syempre sinagot kita kasi gusto na rin kita plus na lang yang hitsura mo."

"Gusto lang?"

"Deeper than that." Nag-iba ako ng posisyon at hinarap ko yung dingding.

"Noong una mo akong nakita, anong unang napansin mo?" Napaisip ako dahil sa tanong nito.

"Yung mata mo." I paused. "Yung nunal malapit sa mata mo."

"Ano pa?" Halatang nakangiti siyang nagtatanong. Kainis talaga siya. Hindi ba niya kayang i-hide yung mga emotion niya? Kinikilig ako, e.

"Yung ngiti mo. Gwapo ka kaya tapos type ko pa yung height mo. Mahirap magpigil na huwag tumingin sa'yo kaya." Sabi ko pa. Shocks talaga. "Tapos napapatingin sayo yung ibang umattend ng meetup ko. Crush ka nila."

"Selos ka naman?" Tanong nito.

"Hindi pa noon, ah. Alikabok ka lang sa akin nun."

"Aray naman love. Namumuro ka na sa akin." suway nito.

"Totoo ba yung sinabi mo noon na crush mo ako?" Tanong ko rin sa kanya.

"Oo. May mas magaganda sa'yo pero iba ka ngumiti." Heol! Mabuti pala nginitian ko siya noon! "Tapos ang hinhin mo magsalita." Napapakagat na lang ako ng labi ko dahil sa sinasabi niya. Shet! Ang hirap magpigil ng kilig talaga! "Tapos ang liit mo pa."

"Hoy! Huwag mong idamay height ko."

"Dinamay mo naman height ko kanina, e. Ano pa ba?" Tanong nito sa sarili niya. "But actually, what made me fall for you is your kindness. You're also sweet and caring hindi mo lang napapansin. Anyway, i still want to talk to you but i really need to pack my things. Sweet dreams, love. I love you"

"Chat mo ko bukas pag dating mo dun, ah. Take care. I love you, too."

***

Nilagpasan ko talaga yung pag-update ng Valentine's day

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nilagpasan ko talaga yung pag-update ng Valentine's day. Baka magbitter-bitteran na naman kayo hahaha!

Cupid Gone Wrong Where stories live. Discover now