Chapter 4 - Say Something, I'm giving up on you.

4.4K 129 16
                                    

Chapter 4 - Say Something, I'm giving up on you.

Helouise POV

"Girl, nasa labas si Matt. Daliii!!" kinikilig na sabi ng kaboard mate ko. Nasa boarding house ako ngayon since schools days.

"Huh? What is he doing here at this very late hour?!" iritado kong sabi. Kaka discharge lang sa akin kahapon at nagpumulit ako na dito sa BH umuwi.

"Duh? Everyone knows kaya na nanliligaw siya ulit sayo. Rumor says na nagbreak kayo. Is that true girl?" I glared at my boardmate, chismosa to. 

Anyway her name is Carlyn at siya ang kaclose ko sa boarding house ko kahit nakakainis siya.

"Kaya nga rumor diba? Might be true, might not." sabi ko lang sakanya saka humiga sa kama ko. Wala ako sa mood para harapin si Matt. Nag-usap na kami at ayoko ng makipagbalikan sakanya.

"Ayaw mo talaga?"

"Ayaw!"

"Ok. So can i have him na lang? Matt is so yummy and--"

"Ugh! Oo na lalabas na." padabog lang akong lumabas sa kwarto. Nakita ko sa baba ng salas yung iba kong kaboardmate na nakasilip sa labas ng waiting area. Bawal kasi ang lalaki sa loob ng boarding house kaya kung bibisita sa waiting area lang pwede. Halata sakanila ang kinikilig. I rolled my eyes heavenwards. Bakit ba sila kinikilig?

"Ang swerte mo po ate Helouise." sabi nung isa na freshman.

"Penge kaming chocolate Helouise ah."

"Hindi ka ba dinadayabetis sa kasweetan ni Matt?" Ilan lang yan sa mga tanong sa akin. at ni isa wala akong sinasagot. Haaay! Paglabas ko ng  bahay, agad kong nakita si Matt na nakaupo sa bench at may dalang bulaklak at ferrero. He look so handsome on his sky blue V-neck tshirt and tight pants paired with gray cardigan.

"H-hi." he said. Nakamot niya ang batok niya ang he really look so awkward.

"Gabi na. Ano'ng ginagawa mo pa dito. Umuwi ka na. 8:30 na at 9PM ang curfew." sabi ko.

"Nanliligaw ako. Remember?" he said tapos inabot yung bulaklak sa akin. Wala akong nagawa kundi abutin iyon. Ayokong maging rude kaya kinuha ko.

"This chocolate is for you and for your boardmates." hindi lang pala ferrero dala niya. May J.CO Donuts pa.

When I Was Your GirlWhere stories live. Discover now