Chapter 8 - Left Behind

3.9K 131 6
                                    

Chapter 8 – Left Behind

 

Helouise’s POV

I’m stupid. Hell yeah I am! I let him go. Damn it hurts. But this is what I deserve. Diba ito ang gusto ko? At ngayon ay inaani ko na ang katangahan ko.

It was too late when I realized na siya pa din. I let go of the man na walang ginawa kundi ang mahalin ako. At ako naman ang babaeng walang ginawa kundi ang pagdudahan ang pagmamahal ko sakanya.

After the little party, habang nagdi-dinner kami, nagulat kaming lahat nang sabihin ng kambal ni Theo na si Thea na umalis na si Matt. Akala ko umuwi lang or anything.

“He booked a flight. Sorry guys pero hindi ko pwedeng sabihin kung saan siya pupunta.” Tanging nasabi ni Thea habang nakatingin sa akin.

Guilty ako. Kasi alam ko ako ang dahilan ng pag-alis niya. I felt worst and horrible. Guilt is killing me.

Not even Mitchy can force me to go back to school. Ayaw ko nang mag-aral. She even tell me na it wasn’t my fault. Pero alam kong sinasabi niya ‘yon para pagain ang loob ko. Kasi bestfriend ko siya. Kasi responsibilidad niyang pagaanin loob ko.

“Bessy naman. H’wag kang ganyan please. Hindi ka ganyan.” Ibinaba niya ang kumot sa katawan ko pero agad ko naman ‘yong ibinalik. Ayaw kong bumangon. Ayaw kong kumain. Wala din akong ganang magsalita. I don’t have strength.

“When was the last time you look through mirror? You look like a living bruha—well I for myself alam ko naman bruha ka. Pero yung hindi ganyan.” I saw pity in her eyes. I hate it. I hate it when people felt nothing but pity on me.

“Matt gave up on you. Pero nandito pa naman ako. Kahit kailan I won’t give up on you. I’m your bestfriend at hindi ako papayag na magkaganyan ka!” Medyo ramdam ko na ang irritasyon sa boses niya.

I sniffed saka ko siya tinalikuran. Tinalukbong ko ang kumot sa ulo ko para hindi na niya ako guluhin pa.

I though she gave up. Pero nagulat na lang ako nang maramdaman kong para akong nag-swimming sa pool. Napabalikwas ako at galit na galit na tinignan siya. She was holding a pale. I was about to shout at her nang makita kong may luhang lumabas sa mga mata niya.

“Hindi ko alam na magkakaganyan ka. I thought you were strong. Seeing you like this is what I least expect. Hindi mo baa lam na nasasaktan ako sa pinag-gagagawa mo? Your mother always bug me. pinapakiusapan ako na pilitin kang pumasok sa school. Ako na nga nag-enroll sayo eh! ikaw na lang ang kulang! Itayo mo naman ang sarili mo, Helouise! H’wag mong hayaan na magkaganyan ka dahil kay Matt. Kasi sa totoo lang, ayaw ko man sabihin, pero kasalanan mo din. You pushed him through the edge. He’s hurt more that you know. Kaya h’wag mong isipin na ikaw lang ang miserable! Kasi madami kang nadadamay!” pagkasabi niya no’n ay umalis na siya.

Naluha na lang ako bigla. “I’m sorry, Mitchy.”

What hurts the most? When you realize that you can’t blame anyone. I’m the one to blame. Masyado akong insecure. I know I am loved pero hindi ko ‘yon pinaniwalaan. Binalewala ko siya. Karma ko ‘to eh. Siguro itong nararamdaman ko ay wala pa sa sakit na ipinadama ko kay Matt.

Tumayo ako at iginala ang mata sa kwarto. Mabuti at hindi ako nagbasag ng mga gamit. Halos hindi nga nagalaw ang suit case ko galing sa vacation eh. Kung ano ang hitsura niya no’ng iniwan ko, hanggang ngayon, gano’n pa din.

Grabe, dalawang buwan din pala akong parang tanga! Ewan ko kung ano ang nakapagpa-realize sa akin. ‘Yung mga matatalim na salita ni Mitchy o ‘yung malamig na tubig. Haay nakung babaeng’yon. Hindi ko palalampasin ginawa niya.

When I Was Your GirlWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu