Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 3

25.7K 838 381
                                    

Chapter 3

Brother

Nanatili ang aking mga mata kay Rhys.

Abalang-abala ako sa panonood kung paano niya tiisin ang sakit mula pa kanina. He was wincing for five minutes or so. Ngayon ay nakapikit na lamang ang kanyang mga mata. Nawala na rin ang pagkakakuyom ng kamao niya at mukhang namanhid na siya sa sakit.

Ilang oras na ba ang lumipas?

Mahigit isang oras na yata ang session nila at ngayon pa lang natapos si Gage sa isang pakpak ng agila.

He said he wanted an eagle tattoo on his chest. Hindi ko akalain noong una na sa akin talaga siya nagpapa-isip ng konsepto para doon.

I felt my cheeks heat up a little with the thought. I let out a deep breath as I bit my lower lip.

Bakit ako ang kailangang mag-isip ng mga detalye para sa magiging tattoo niya? What do I have to do with that?

But because he said he trusted my skills as an artist, I obliged. Hearing that coming from Rhys was something else. It was way beyond flattering.

Kahit puwede namang kay Gage na niya ipagkatiwala ang bagay na iyon, ako pa rin ang nilapitan niya.

He entrusted me with something he'll have for a long time.

And with this thought playing inside my head, it seems impossible for me to handle the revolution happening in my chest. It was screaming. Glorifying his very name.

Rhys Selaphiel De Quintos, why are you like this?

Napasinghap ako nang magmulat siya ng mga mata. A smile drew on his lips when our eyes met.

"Ang sakit na ng likod ko." He yawned. Hindi ko naman napigilan ang mapangisi.

Tinuro niya ang bottled water sa tabi ko. Napatango ako nang maintindihan ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Tumayo ako saka inabot sa kaniya iyon.

"Ginusto mo 'yan. Magtiis ka," sabi ko kay Rhys. Natawa naman si Gage dahil doon habang hinihilot ang kanang balikat niya.

"Oo nga. Tiis lang," ani Gage. Which Rhys ignored.

Instead of keeping himself still on his chair, he aimed for the bin when he finished drinking his water—my water.

"Three points!" aniya't pumalakpak pa na parang batang tuwang-tuwa.

"'Wag ka kayang makulit," sita ko sa kaniya. Imbis kasi na deretso ang paggawa ni Gage ay nahihinto pa ito dahil sa kagagalaw ni Rhys.

"Ayos lang. Nangangawit na rin ako, e." Gage stretched his arms.

Lihim naman akong napasinghap nang maramdaman ko ang paghawak ni Rhys sa kamay ko saka iyon dinala sa balikat niya.

"Can you please massage my back?" he breathed. Mariin akong napalunok nang maramdaman ko sa palad ko ang init ng katawan niya.

Without uttering any word, I did what he asked me to. Kahit nahihirapan na akong huminga gawa ng paghuhuramentado sa aking dibdib.

I know this isn't healthy for me. We're just friends and that's how it's been for years and having this fantasy in my head isn't helping anymore.

I should probably stop.

***

Tatlong oras ang tinagal namin sa tattoo shop bago matapos ang session nila. I was already starving. Ramdam na ramdam ko ang pagguhit ng asido sa aking sikmura dala ng gutom. Hindi na rin ito kayang ibsan ng biscuit na kinuha ko sa pantry kanina.

Hiraeth (Opprimo Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon