Chapter 15: Ang Torture Chamber

10.5K 572 53
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Okay ka na?" tanong ni Hepe.

Tumango si Hannah habang lumabas sila ng kuwarto. Malakas ang vibrations na nakuha ng psychic sa Dead Room, ang kuwarto kung saan ipinanganak si Berta, at pansamantala siyang nakaramdam ng pagkahilo. At least, alam na raw nila kung saan sila magko-concentrate sa kanilang imbestigasyon, sabi ni Jules. Samantala, ang grupo ng mga bisita at si Mayor ay nauna na sa kanila pasunod kay Karen papunta ng basement.

"Tara, baka mahuli tayo," aya ni Jules.

"Nagmamadali lang?" simangot ni Hannah.

"Hindi mo ba narinig 'yung sabi? May basement daw ang bahay!"

"And so?" sabi ni Hannah sa excited na kasama. "Karamihan naman sa malalaking bahay may basement."

"Oo nga," sang-ayon ni Hepe.

"Hindi ang Anlunan Residence," serious na sabi si Jules. "Walang documented evidence na may basement ito. Kahit saang libro. Walang litrato. Kahit sa plano ng bahay."

"Oh," napataas ng kilay si Hannah.

Sa likurang bahagi ng bahay, ay may maikli at makitid na corridor kung saan sa dulo ay may bakal na pintuan. Doon huminto si Karen sa tapat.

"Sa likod ng pinto na ito ay may hagdan pababa ng basement kung saan nangyari ang mga human experiments. Tawagin natin itong Torture Chamber," sabi ni Karen. "Prior to the end of the war..."

Napatigil ang tour guide nang senyasan siya ni Mayor na lumakad sa harap niya.

"Karen, allow me," all smiles na sabi ng alkalde.

Sa likuran ng kumpol ng mga bisita, nagmamadaling dumating sina Jules, Hannah at Hepe at inabutan na magsasalita si Mayor.

"Nang malapit nang ma-overrun ng American and Filipino forces ang mga Hapon sa Battle of Luzon, August 1945, inutusan si Doctor Nakadai to destroy all evidence ng mga experiments niya. Ito ay sa pamamagitan ng pagsunog ng mga laman ng basement at tabunan ng lupa. Pero, hindi ito ginawa ni Nakadai. Instead na tabunan ang basement ay pina-seal niya ang pintuan. Nilagyan ng hollow blocks at sinementuhan. Kaya nang dumating ang mga Amerikano ay hindi nila natagpuan ang basement."

Tahimik na nakikinig ang lahat. Bumuwelo si Mayor.

"Of course, wala namang nag-survive na mga subject ng human experiments to tell about their tale. For decades, ang torture chamber sa ilalim ng bahay na bato remained a myth. Until ma-convince ang historians na hindi ito totoo."

At ngumiti.

"But, not me. Hindi ang abang lingkod ninyo. I believed with all conviction, na tutoo ang torture chamber sa ilalim ng Anlunan Residence. Nang bilhin ko ang bahay na ito last year, I spent all efforts to prove the story true. At natagpuan namin ang pintuang ito. Ang nilalaman ng torture chamber ay nagmistulang tomb! Preserved all these years!"

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseWhere stories live. Discover now