Chapter 31: +

9.1K 502 38
                                    

Naghapunan muna silang lahat ng simpleng take-out na rice meal

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naghapunan muna silang lahat ng simpleng take-out na rice meal. Hindi rin naman akma sa pagkakataon na sila'y kumain ng marami, o ng ubod ng sarap. Ang ihip ng hangin sa loob ng Bahay na Bato ay siryoso sa napipintong exorcism ni Berta. Aminado ang lahat na sila'y kinakabahan sa mangyayari. Advantage man na alam nila ang pangalan ng dimonyo ay dahilan din iyon para sila ay matakot.

Matakot nang matindi.

Pagka't si Berith, isang first hierarchy na demon, isang prinsipe ng mga Cherubs, isang mataas na sundalo ni Satanas ay hindi pipitsuging dimonyo. Ayon sa records ng simbahang Katoliko, sa lahat ng mga dimonyo sa impiyerno, si Baal-Berith ang responsable sa mas maraming kaso ng demonic possession na naitala sa kasaysayan.

Habang nagdi-dinner ay nilatag ni Father Markus sa kanila ang mga patakaran. Alam na nina Jules at Hannah ito, pero sa iba, ito'y importanteng kaalaman. Ang mga rules to follow during a major exorcism:

1) Unang-una ay dapat na naniniwala ka na ito'y gawa ng dimonyo at hindi isang uri ng sakit.

2) Kasabay nito'y dapat alisin sa sarili ang anumang bakas ng pagdududa sa nakita o makikita.

3) Huwag makikinig sa sinasabi ng dimonyo. Isa sa kapangyarihan niya'y ang malaman ang iyong mga sikreto at gamitin ito. Huwag magpapaapekto.

4) Magpapakita ang dimonyo ng mga bagay na ilusyon lamang. Kapag nangyari ito'y pumikit at magdasal.

5) Huwag mong kausapin o magtanong sa dimonyo.

6) Huwag mong tignan ang dimonyo sa mga mata.

7) Magdasal at humingi sa Diyos ng patnubay.

Pagkatapos, ay nagpamisa si Father Markus, nagbigay ng communion at confession, at kanyang binasbasan sila, at binigyan ng kanyang personal na proteksyon. Pinuno rin niya ang boteng lagayan ng holy water at bliness ito.

"Malakas ang dimonyong ito," amin ni Father Markus sa kanila. "Lalo na't narito tayo sa kanyang puder. Baka hindi sapat ang proteksyong ito, kaya tibayan n'yo ang inyong loob. Manalig. Hugutin n'yo mula sa pinakasulok ng inyong katauhan ang malakas ninyong paniniwala."

Tumango ang lahat.

Alas-otso ng gabi nang sila'y pumasok sa Dead Room para i-perform ang exorcism ni Berta.

"Nakahanap ka ng mga kakampi, Father," ang bungad na pananalita ng dimonyo.

Nakaupo, nakatali ng lubid ang mga kamay ng bata sa poste ng hospital bed na nasa gitna ng kuwarto. Para siguradong hindi gumalaw ang kama tulad ng dati, ay pinatanggal ni Jules ang mga gulong nito at pinabarena ang mga paa sa sahig. Ngayo'y husto itong nakapirmi.

Madilim sa kuwarto, naiilawan lamang ng overhanging lamp sa ibabaw ng kama. Pinanatili nilang sarado ang pintuan during exorcism, at para rin siguradong hindi ito ma-lock tulad nang nangyari dati, ay tinanggal na ang sliding metal bar na sarahan sa labas. Iyon, at nakabantay pa roon sina SP04 Rosales at P02 Paterno.

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseWhere stories live. Discover now