Chapter 33: Respite

8.8K 486 53
                                    

Pagpasok muli ni Father Markus ay abala ang iba na naghahanda

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagpasok muli ni Father Markus ay abala ang iba na naghahanda. Ngayong wala sina Hepe, SP04 Rosales at Mayor, ay ang matatakutin na si P02 Paterno ang nakabantay sa labas ng pintuan ng Dead Room.

"Okay ka lang?" tanong ni Father Markus sa kanya.

"Y-yes, Father," may nginig na sagot ni P02 Paterno. Nawala lang ang kanyang pagkamadaldal.

Hinawakan siya sa balikat ng pari. "Konting tibay ng loob."

"Y-yes, Father."

Pumasok ng Dead Room si Father Markus at nakita si Jules na tinetesting ang mga microphones. Sinabi niya sa parapsychologist na huwag na lang nilang gamitin ang mga iyon, lalo na ang cathedral effect, kundi'y ang natural na boses na lang nila nang sa ganoong paraan, mas madidinig ang sinseridad sa kanilang pananalita. Nag-agree naman si Jules. Napalitan na nila ang nabasag na mga bumbilya at nang buksang muli ang mga ilaw ay makikita si Berta na nakahiga sa hospital bed kung saan nakatali ang kanyang katawan at mga kamay at paa sa poste. Naroon sina Kanor at Wendell at hinihigpitan pa'ng pagkakatali ng bata.

"Hindi ka pa ba susuko, Father?" sabi ng dimonyo nang makita si Father Markus. "Sinabi naman sa iyo na akin na ang batang ito. Hindi n'yo na siya maaagaw. Ang kaluluwa niya'y may lugar na rito sa impiyerno."

Nagkatinginan sina Kanor at Wendell at nakaramdam ng panganib para kay Berta. Hindi naman pinansin ni Father Markus ang dimonyo at nagpatuloy lang sa kanyang paghahanda sa exorcism. Nang ready na ang lahat ay nagsama-sama muli sila sa harapan ng kama.

Dinasal nila ang Our Father, Hail Mary at ang Glory Be, at sa bawat linya ng dasal ay sinabayan sila ng dimonyo at nagdasal din, pero pabaliktad. Nagulat sila sa harapang pagkukutyang iyon. Nilapitan ni Father Markus si Berta at nilagay ang kanyang kamay sa ulo nito at sinabi:

I adjure you, ancient serpent, by the judge of the living and the dead, by the Creator of the whole universe, by Him who has the power to consign you to hell, to depart in fear from this servant of God, Maria Roberta Trajico, who seeks refuge in the Church. I adjure you again not by my weakness but by the might of the Holy Spirit. Yield not to my own person but to the minister of Christ. For it is the power of Christ that compels you!

At kanila uling sinabi nang paulit-ulit:

It is the power of Christ that compels you!
It is the power of Christ that compels you!
It is the power of Christ that compels you!
It is the power of Christ that compels you!

Nguni't, lahat ng gawin nila'y nilalabanan ng dimonyo, bawat dasal ay sinasabayan ng kontra-dasal, hanggang sa sila'y mapagod at kinailangang magpahinga muna. Dalawa pang beses na sila'y nagpahinga at bumalik sa kuwarto para sa exorcism, para lamang lumabas na mga bigo. Ang resistance ng dimonyo sa ritwal ay tila lumalakas pa.

Ang ulan naman sa labas ay humina, nguni't tila pansamantala lang. Tinatakpan pa rin ng maiitim na mga ulap ang mga bituin, at ang malamig na hangin ay nagsasabing paparating na naman ang panibagong pagbuhos.

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseWhere stories live. Discover now