Chapter 5: A day to worry

9 1 0
                                    

Pagdating ko sa bahay nananahi lang si mama. " hi ma" sabi ko tapos punta sa taas para magbihis binuksan ko ung phone ko at ininstall ulit ung app na 'Mirai Nikki' 'pinasa ni Ash to sa akin kanina ang cool nga ehh may diary na akong susulatan. '

Pagkainstall ko ay nagpalit muna ako nang damit at nag sulat na.

April 2 2017

Nakilala ko si Ash para ngang pambabae name nya😁.

Pero other than that ang bait nya tapos mahilog fin sya sa Anime.  Weepiiee..

Sana magkita ulit kami bukas.

Matapos kong isulat bumaba na ako at nagsaing.

~☆~☆~☆~

'Matutulog na ako ayaw ko kasi maghugas eh kakatamad. '

Tumaas na ako sa double deck at natulog na pero di ako makatulog ' ano ba toh...  baka mamaya pa nyan mapuyat pa ako '

Naalala lo ulit ung nangyari kanina at napangiti ako.

"Baka!!!! " (stupid) sigaw ko sa sarili ko habang tinatakpan ang muka ko nang unan.

' ano ba ito ' nagpout ako at pinilit na matulog ngunit naalala ko nanamansi Ash. " ehh sige na nga lord magpe-pray na po basta patulugin nyo ako" sabi ko sa hangin at pinatay na ung ilaw at nagdasal.

Mayamaya inantok na ako *yawn*.

Zzzzzzzzz...

//The Next Day\\

May nang gigising sa akin.

Dumilat ako at nakita si tatay. "Gising na umaga na" sabi nya kaya tumayo na ako.

' kaaga aga naman ' nag inat ako at chinarge ang cellphone ko.

Matapos nun bumaba na ako. Nakita ko si tatay nagluluto habang naka bukas ung tv, as always.

Ginawa ko na ang habit ko tuwing umaga kapag may pasok, maligo, kumain, magtooth brush,  kunin ang bag tapos aalis.

" Mari tapusin mo na yang papapirmahan mo ha " sabi ni mama na medyo inaantok pa.

" opo " sabay alis.

Pagpunta ko sa kanto medyo natagalan akong sumakay kaya pag dating ko sa school 6:24 na.

Pumunta na akong school at nagpunta sa Math park kung saan dapat magkikita kami ni Ash kasi yun yung usapan pero wala pa sya dun kaya pumasok muna ako sa school at pumunta sa room.

~¤~¤~¤~¤~

Katulad nang kahapon nag-usap lang kami at nagpakita sya nang ilang Vocaloid songs. Dun ko lang nalaman na mas marami siyang alam na anime kesa sa akin.

Kakainggit tuloy.

Noong napapirma ko na ung dalawang kaya naggala nalang kami sa school. Sila Jheo nagpapa pirma pa rin kaya di namin siya kasama kainis.

Pero ok pa rin kahit na hindi namin sila kasama i ge-get-to- know ko muna si Ash.

//FastForward\\
*summer vacation*

Matapos ang ilang araw namin sa school natapos rin ang pasok.

Pero binabagabag pa rin ako kasi nung last na meeting namin ni Ash sinabi ko na magkita kami sa math park mga 9:30 pero mas maaga pa kami pumunta ni mama para kunin card kaya di ko sya napuntahan.

Ganito kasi nangyari.

//Flashback\\

"Mari di ba kuhanan nang card nyo ngayon? " tanong ni mama. Tumango naman ako.

"Kailangan pa ba ng magulang para kunin yun? " halata na sa boses ni mama ang pagkairita.

"Opo nga po. " sabi ko naman habang hawak-hawak ang kulay brown ko na bag.

Tinapos nya na ang kape nya at tumayo.

Nagbihis na sya at pumunta na kami sa school.


Pagdating namin marami sa school,  palihim akong tumingin sa math park pero wala dun si Ash.

'Saan kaya yun' huminto na ang tricycle at bumaba na kami nagbayad na rin si mama.

Pumunta kami sa room ko sa may EJ4 pero wala si mam doon may nakaipit na sulat at binasa ko iyon.

To seven edison:
          To get your card please go to me at the english dept.

Your adviser:
Mam.  Lucena

Tiningnan ko si mama na nakatingin rin sa sulat ni mam.

" saan naman yang English dept? " tanong nya. " puntahan na po natin " sagot ko.

Pumunta na kami sa English dept. sa third floor nang isang building.

Pagdating namin ni mama sa taas hinihingal na sya " kakapaggod pala yun" sabi ni mama habang pinapahid ang pawis nya. Napangiti nalang ako 'di pa sya sanay'.

Pumunta na kami sa room 309 at tiningnan kung nandoon si Mam at nandoon nga, kumakain kasama nang ibang teachers kinawayan ko sya at nung mapansin nya ako lumabas sya habang nakangiti.

" mam kukunin na po namin ung card ni Rafaella " sabi ko kay mamna papalabas na nang english dept.

" ah o sige.  Ung mga card nyo nasa room kaya dun na natin kuhanin ha " sabi ni mam na may ngiti at tiningnan si mama.

Pagdating namin sa room ko binigay na ni Mam ang card ko "oh Rafaella. Pagbutihin mo na sa grade 9 ha? " sabi ni mama nang nakangiti pa rin.

" opo mama. " sabi ko sabay kamot sa batok ko.

" sige na po mam alis na kami " at umalis na nga kami ni mama.

Pero nung pag alis namin sa school tumingin ako sa may math park pero wala pa rin sya dun.

' kaainis di ko matitupad ung sinabi ko 'baka''

//end of flashback\\

At ngayon nakaupo ako sa terace namin sa may duyan habang nalatingin sa labas habang umuulan.

*sigh* 'baka mamaya di nanaman ako makatulog nito sa kakaisip ko nun.

My friends in memoriesWhere stories live. Discover now