Chapter 13

5 0 0
                                    

Ilang buwan na ang nakalipas noong nakaalis na ng Pinas si Karen. Nasanay na rin naman ako na wala sya.

Yun nga lang kakamiss din na wala yung isa kong best friend...

Other than that wala naman masyadong nangyari dito sa akin. Like heck ilan lang naman kami na walang with honor ngayong first grading.

Huhuhuhuh.... I really did hate myself... Because of that...

Nakalimutan kong banggitin na naging habit ko na na mag skip ng paglilinis para lang makapunta minsan sa Chi Alpha. Hahahahah...

Minsan naman para lang makapaglaro kami ni Ash ng ML.. Like oo nagm-ml ako.

Sa school medyo ok naman na ako pero sa bahay talaga... Medyo nakakainis...

Uuwi akong masaya pero pagdating mo sermon lang aabutin... Paano daw ayaw kong tumulong sa baba eh may ginagawa kaya ako!!!

Lagi nalang ganito sa bahay...

Lagi nalang akong nananaginip din ng masama...

*Dream*

Nasa isa akong bahay... Medyo marami nga lang syang pinto..

Lumapit ako sa isa at binuksan ko ito...

My hinahanap ako.

Pero ano iyon?

Paglabas ko ng pinto bumungad sa akin yung Gym ng BNHS yun nga lang my mga bleachers sya sa medyo taas na parang lumulutang.. My hagdan naman na pwede kong akyatin...

Napagpasyahan ko naman na umakyat dun...

Iniisip ko na makikita ko kung sino yung hinahanap ko..

At nakita ko nga....

Si Ash..!

Sya nga yung nasa ibaba.!

Dali dali akong bumaba ilang kilometro lang yung layo namin..

Dumaan sya dun sa pagitan ng mga tao. Ako naman sumusunod lang, practically tulak lang ako ng tulak ng mga taong nakapaligid sa akin para makapunta kay Ash.

At dun ko lang napansin may papuntang Truck sa pinupwestuhan ko!

Dun na ako nakalabas sa mga magugulong tao at hinabol si Ash.

Pumunta naman sya sa isang pinto at binuksan ito...

Pumasok din naman ako dun.

Nung nasa kabilang pinto na ako tumakbo na ako papunta sa kanya..

Nakatalikod sya habang naglalakd palayo.. Pero alam ko na sya yun..!!

Lumalakad sya.. Habang ako tumatakbo... Ngunit sa bawat takbo ko maslalo syang lumalayo...

May biglang sumiklab na apoy!

Di ko alam kung saan sya nanggaling..

Dali dali naman ako sa pag-ilag sa mga lumilipad na nasusunog na bagay. Dun ko rin napagtanto na nasa gitna na ako ng daan..

Napahinto sya kaya napahinto ako..

Ilang minuto naka tayo ako... Ay ang susunod nakita ko nalang eh tumatakbo na ako..

Pusok sya sa ibat ibang pinto ako nman ay sumusunod. Di ko na nararamdaman yung sarili ko..

Lumabas na sya ng gate...

Sa labas nakita ko ang magulang nya na si Tita Lory kasama si Aivler at Audrey.

" tita na san po si Ash? " tanong ko sa kanya..

" pumunta sya dun oh Rafa " tumingin naman ako dun sa maliwanag na ilaw at tumakbo na pupunta doon..

At dun na ako nagising sa realidad..

Basang basa ako sa pawis..

Pero nakatapat naman sa akin yung electric fan...

Naramdaman ko rin na umiiyak ako..

' bakit naman ako umiiyak?" Tanong ko sa sarili ko at pinahid na ang mga luha na dali daling bumabagsak sa aking mga mata...

Dahil ba to dun sa napaginipan ko...

*end of it*

Napagtanto ko nun na balang araw eh aalis din si Ash...

Ayaw kong isipin yun ngunit bawat araw na lumipas...

Di nya na ako napapansin.

Di nya na ako masyadong kinakausap..

Masyado na syang busy magML

Wala na rin ako masyadong nababalitaan sa kanya..

Siguro nga wala na sya para sa akin...

Pero di ko sya susukuan..

Ayaw ko maging isa sa mga sumuko sa kanya...

He will not be alone.. For he is still my Best Friend.

Ilang araw, ilang linggo at ilang gabi ang nasira dahil lang sa mga panaginip ko..

Di na talaga ako nakatulog...

Mabuti nalang at natapos ko ng maayos ang school year ko..

Yun nga lang naka ilang balik din ako sa clinic para makakuha ng gamot..

Nanghihina ako...

Siguro dahilan na ito ng stress at hindi pagtulog ng ilang araw...

Noon ding iyon.

Nagpahatid ako kay Ash dahil nga sa kalagayan ko na may lagnat..

Wala lang naman iyon sa kanya...

Di nya nga napansin na may lagnat ako..

Hehehe... Katulad na sya ng iba..

I know he will leave...

Soon enough..

Naging masaya naman sa akin na nakasama ko sya.

Pero ngayon ko lang naisip or natanong sa aking sarili..

Na kung meron nga ba talaga syang pake..?

My friends in memoriesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt