Kabanata 5

3.4K 180 58
                                    

Kabanata 5: Unfair

"MAMAMATAY na siya o baka patay na," ani Eugene habang sapo-sapo ang ulo. Pumikit siya nang mariin at pilit kinalma ang sarili. Hinawakan niya sa kamay ni Yhinn at pinunasan ang mga luha nito. Noong una niya itong nakita ay isang matapang at palabang babae ang tingin niya rito. Hindi niya akalaing sa gitna ng pagiging palaban ay may pagkaiyakin pala ito.

"Shh, tahan na," bulong niya. Unti-unti nang bumubuti ang pakiramdam niya kaya umupo na siya sa kama.

Tumingin naman sa kanya si Yhinn. "Okay ka na ba?" tanong nito sa kanya habang nagpupunas ng pisngi. Lumapit ito para salatin ang noo niya pero napaatras siya. Ito na naman, nakakaramdam na naman siya ng kakaiba. Hindi niya maintindihan pero kapag nagdadampi ang mga balat nila ay para siyang nakukuryente. Minsan nga ay sinasadya niyang hawakan ito para tingnan kung makakaramdam pa siya ng kakaiba, pero palaging gano'n, palaging may kuryente.

Bumuntong-hininga siya. "Okay na," sabi na lang niya.

Tumayo si Eugene at naglakad patungo sa pinto pero hinarang siya ni Yhinn. Kunot-noo itong nakatingin sa kanya na waring sinisiyasat siya. Nagtaas siya ng isang kilay.

"Sabihin mo, Eugene," seryosong sabi nito. Lumapit ito sa kanya at humawak sa balikat niya.

Napalunok siya. "Ang?"

"Paano mo nalalaman kung sino ang susunod na mamamatay?" Matalim na tingin ang ipinukol nito sa kanya. Nagbuga siya ng hangin at pansamantalang tumahimik para mag-isip. Dapat nga ba niyang sabihin dito? Natatakot siya. Natatakot siyang baka hindi ito maniwala sa kanya at isipin lang na nababaliw na siya katulad ng iba. Katulad nila Vince.

Lumunok siya. "Hindi ko alam."

Mas lalong dumiin ang pagkakahawak nito sa balikat niya dahilan para mapatingin siya rito. "Please, sabihin mo. Paano?"

Umiling siya at kumalas sa pagkakahawak nito. Huminga siya nang malalim bago tuluyang binuksan ang pinto ng kwarto. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Yhinn kaya napapikit siya. Sasabihin niya ba? Kailangan ba? Muli siyang umiling at piniling isarado ulit ang pinto. Nilapitan niya si Yhinn at hinigit patungo sa kama. Umawang naman ang bibig nito na waring nagtataka.

"Nakikita ko kung may mangyayaring masama sa hinaharap," pagsisimula niya.

* * *

"TEKA, ibig mong sabihin psychic ka? Nakikita mo ang mangyayari sa future sa mga taong malapit sa'yo pero hindi mo alam kung paano mangyayari 'yon? Parang ang labo yata?" kunot-noong sambit ni Yhinn saka kinagat ang labi niya. Tatlumpung minuto nang nagpapaliwanag si Eugene sa kanya pero hindi naman siya maliwanagan. Ang gulo kasi ng eksplenasyon nito.

"Hindi nga ako psychic," anito habang nakasimangot.

Napalabi siya. "Ano'ng tawag mo sa'yo? Engkanto? Superhero? 'Di ba psychic nga 'yung nakakakita ng hinaharap? Labo mo."

"Hindi ko ikinokonsidera ang sarili ko bilang psychic. Tao lang ako, simpleng tao. Nagkataon lang na mula bata ay nabigyan ako ng kakayahang makita ang mangyayari sa hinaharap. Masasamang mangyayari." Napasapo ito sa noo. "Pero hindi ko nakikita kung paano. Halimbawa, alam kong mababangga tayo noong bumiyahe tayo papunta dito. Hindi ko lang alam kung ano ang makakabangga sa'tin."

Nagtaas si Yhinn ng kilay sa sinabi ng lalaki. "Nakita mo talaga na mababangga tayo no'n?" Tumango ito. "Ng toy car?" Ngumisi siya at nagkagat-labi para pigilan ang paghalakhak.

"Hindi ko nga alam, Yhinn. Hindi ko alam na toy car lang pala ang babangga sa'tin. Basta alam kong mababangga tayo, 'yun lang."

"Okay. Pero ibig mong sabihin, alam mong may mamamatay pero hindi mo alam kung paano sila papatayin?" Tumayo siya at naglakad patungo sa bintana. Malakas pa rin ang ulan pero hindi na gano'n kalakas ang hangin. Sa tingin niya rin ay mas tumaas ang baha sa labas.

Ab InitioWhere stories live. Discover now