Nakamamatay (Special Chapter + Announcement)

3.2K 157 133
                                    

NAKAMAMATAY (Special Chapter + Announcement + Whatever)

ILANG beses nang bumuntong-hininga si Eugene habang pinagmamasdan ang natutulog na si Yhinn. Mahigit pitong oras na ang nakararaan mula nang matanggap nila ang tawag ni Ulyses pero hindi pa rin makapaniwala si Eugene sa mga pangyayari. Isa lang ang tumatakbo sa utak niya sa mga sandaling iyon, ano'ng dapat niyang gawin para makaligtas? Hindi pa siya handang mamatay. Hindi hangga't hindi pa siya sinasagot ni Yhinn. Hindi hangga't hindi pa sila ikinakasal. Lalong hindi hangga't hindi pa sila nagkakaanak. Ayaw niyang mamatay, hindi dahil takot siya, kundi dahil ayaw niyang iwanan si Yhinn.

Muling bumuntong-hininga si Eugene. Nang tapunan niya ng tingin si Yhinn ay napangiti siya. Buti na lang at pumayag ang dalagang hindi siya umuwi at makitulog na lang sa bahay nito. Binigyan nga siya ng sariling kwarto ni Yhinn pero pinilit niyang doon na lang din sa kwarto ng babae manatili. Ayaw pa sanang pumayag nito pero sinabi ni Eugene na sa sahig naman siya matutulog kaya't matapos ang mahaba-habang pilitan ay pumayag din ito.

Umupo si Eugene sa gilid ng kama at hinawakan ang pisngi ni Yhinn.

"Mahal na mahal kita," bulong niya. Napaigtad siya nang biglang gumalaw si Yhinn at magbukas ng mga mata.

"Narinig ko 'yun," nakangiwing sabi nito. "Corny mo."

Wala sa sariling napakamot sa ulo si Eugene. "Nagising ba kita? Sorry. Tulog ka na ulit."

Akala niya ay susunod ito sa sinabi niya kaya't nagulat siya nang kumuha ito ng isang unan at itinakip sa mukha nito. Sunod ay nakarinig siya ng isang impit na sigaw mula kay Yhinn na nagpakunot sa noo niya. Tinanggal niya ang unan sa mukha ng dalaga saka iniharap sa kanya ang mukhang problemadong si Yhinn.

"Anong problema? Bakit ka sumisigaw? May masakit ba sa'yo? Nagugutom ka ba? Natatakot ka? Ano? Sabihin mo sa'kin," tuloy-tuloy na sambit niya.

Umiling naman si Yhinn. "Wala." Sabay taklob ng kumot.

"Yhinn naman. May problema ba? Kung iniisip mo 'yung kay Grace, 'wag kang mag-alala, sabi ko naman sa'yo, lalaban tayo. Kung 'yung kay Ulyses naman 'yan, bukas na bukas, pupuntahan natin siya," aniya.

"Hindi naman 'yun, e," bulong nito.

"Ano pala?"

"Ikaw kasi."

"Bakit ako? Anong ginawa ko?" takang-tanong ni Eugene.

Bumuntong-hininga si Yhinn. "Ewan. Nung narinig ko 'yung bulong mo kanina nung nagising ako, gusto ko biglang sumigaw. Ay shit, 'wag ka na ngang magtanong! Tutulog na 'ko, matulog ka na rin. Sa sahig ka, ha? Kung hindi ka komportable, lipat ka sa guest roo, " mahabang litanya nito.

"Aling bulong? 'Yung mahal kita?" nangingiting tanong niya. "Kinilig ka?"

Bigla namang napaupo si Yhinn at sinamaan siya ng tingin. "Asa ka! Kinilig ka d'yan. Hindi uso sa'kin 'yon, nakamamatay."

"Hindi raw." Itinaas-baba ni Eugene ang kilay niya, dahilan para batuhin siya ng unan ng dalaga. "Ito naman, napakabrutal. Hindi na kung hindi. Sige na, matulog ka na. Dito na 'ko sa sahig."

Tumayo siya at walang isip-isip na dumapa sa sahig. Ilang saglit pa'y naramdaman na niyang may humihigit sa damit niya.

"Tae, Eugene! Magsapin ka ng kumot sa sahig! Malamig, sisipunin ka n'yan!"

Narinig niyang sabi ni Yhinn pero hindi niya pinansin. Nagkunwari siyang natutulog na kahit ang totoo ay gusto na niyang magtatalon sa concern na ipinapakita ng dalaga.

"Tumayo ka na d'yan. 'Pag ikaw nagkasakit, sabihin mo naman tsamba," pangaral pa nito pero hindi niya pa rin pinansin.

Pinanindigan na ni Eugene ang pagpapanggap na tulog. Akala niya'y hindi na siya kukulitin ni Yhinn pero makalipas ang ilang minuto ay nagsalita ulit ito. "Tulog ka na? Seryoso?" Nakarinig siya ng buntong-hininga. "Tulog ka na nga."

Ab InitioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon