Chapter 1: Break up

736 11 0
                                    

MAXINE P.O.V

"babe wag mo namang gawin sakin to.."
Nag mamakaawang paki usap ko habang sinusundan siya pababa ng hagdan pilit kong sinasalba ang sa tingin kong hindi na pwede pa.

"I need space Maxine.."
patuloy siya sa pag lalakad habang sinasabi ang katagang yun,  parang ayoko ng marinig pa ang mga sasabihin niya dahil pakiramdam ko hindi titigil ang pag agos ng mga tubig sa mga mata ko.

"Luke!  Please naman harapin mo naman ako!"
This time napatigil si Luke sa paglakad at hinarap ako kaya napatigil ako sa pag lalakad,  sobrang bigat lang talaga sa pakiramdam nang ganito.

"What?  Bingi kaba? Sabi ko mag hiwalay na tayo mawawalan na ko ng time sayo!"
iritadong sabi niya pakiramdam ko halos lahat ng dugo ko sa katawan nag si akyatan sa ulo ko at pasabog na ko dahil sa sinabi niya. 

"Kasi yung time mo mapupunta na sa iba? ganun ba?  Ayos naman tayo kahapon ah ang saya saya pa natin actually kaka celebrate lang natin ng first anniversary natin tapos ngayon ganto?  Bakit Luke may pag kukulang ba ko?  Sabihin mo para mapunan ko please..."
Walang tigil sa pag agos ang mga luha ko kakainis ka namang mga luha ka e tumigil ka nga, 
Nakita kong umiling si Luke.

"Sex..."
Aniya kaya nanlaki ang Mata ko,  yung luhang dapat ay tutulo ay hindi na natuloy nanuyo ang mata ko dahil sa sinabi niya sex? 

"W-what?"
Di maka paniwalang sabi ko,  ngumisi siya.

"Kaya naging tayo dahil sa sex pero pota Maxine umabot tayo ng one year pero hindi mo manlang yun nabigay?  Tsk tama na to pagod na kong mag hintay atsaka marami namang mas magandang Babae kaysa sayo"
Napantig ang tainga ko dahil sa sinabi niya kaya buong puso kong ibinigay sa kanya ang sampal na deserved niya,  napahawak siya sa pisngi niya na sinampal ko.

"Kapal ng muka mo,  akala ko mahal mo ko yun pala all this year niloloko mo lang pala ako at sex lang pala inaasahan mo sakin?"

"ganun na nga"
natatawang sabi niya kaya sinampal ko ulit siya.

"Fuck!"-Luke

"Sa isang taon  nayun may oras, minuto o segundo bang mag kasama tayo na mahal mo ko? O ako lang talaga ang nag mamahal sa ating dalawa?"
Kumunot ang noo niya at matalim na tumingin sakin.

"Love?  Anong alam mo sa salitang yan?  Kaya pala nakakaraming lalake kana diyan ka na nga!"
Matapos niyang sabihin yun ay tinalikuran na niya ko at nag simula nang mag lakad.

"HOY BILANG LANG SA DALIRI AT DALAWA LANG SILA PANG TATLO KA MAKA MARAMI KA NAMAN ATSAKA MINAHAL KO YUNG MGA YUN PERO PINAASA AT NILOKO LANG NAMAN AKO TULAD MO BWESIT KAYO MAMATAY NA KAYONG MGA PAASA AT MANLOLOKO bwesit....."
sigaw ko at nakalabas na siya ng restaurant kung saan madalas kaming kumain,  napa upo nalang ako sa isa sa mga couch hindi ako makapaniwala na tinapos ni luke ng ganun ang relasyon namin, pano na ko ngayon?  lagi nalang ba ko iiyak ng dahil sa lalake? 

Nakakainis naman e bakit ba kasi nauso ang sex nayan punyeta dahil diyan maraming nakikiuso may inosente pang nadadamay,  sex pala huh! 

Nyemas nasapo ko ang muka ko dahil sa inis bakit ba hindi ko napansin na pag nanasa lang naman talaga ang gusto sakin ni luke?  Bakit ba kasi nag paka Tanga nanaman ako! 
Bwesit na buhay naman to oh all this year yung mga pangarap at sweet moments na binuo namin ng mag kasama puro pag papanggap lang pala?  Walangjo na lalake yun.

Ang kapal pa ng muka niya na ipasok ang mga ex ko sa usapan?  akala mo alam niya talaga yung mga nangyari para sabihin ko sa kanya lahat ng lalakeng dumaan sa buhay ko minahal at pinahalagahan ko hindi katulad nila na pinag laruan at binaliwala lang ang pag mamahal na binibigay ko mag sama sama sila mga bwesit! 

Unexpectedly LoveWhere stories live. Discover now