Chapter 18; Bar!

165 3 0
                                    

   COLEEN POV

NAG madali akong lumapit kay Maxine nang makita ko siya sa hallway,  nag lalakad at parang matamlay?  mukhang hindi niya rin kasama ang lover niya?  sabi na e walang forever! 

"Maxine!" Tawag ko sa pangalan niya at himala itong tumingin sakin at pilit na ngumiti,  ngayon ko lang nakitang ganyan ka tamlay ang itsura niya.

"Oh.  H-hey Coleen." sambit niya.  Sinabayan ko siya sa pag lalakad.

"Hows the weekends?  Puro date ba?" may mapanuksong tanong ko.  Mahina siyang natawa I really smell something.

"Nasa Baguio si Mico noong weekends kaya hindi kami mag kasama" paliwanag niya at ngumiti.

"Ow.  I see, then where he is now?" Tsismusa ako kaya kailangan ko kumuha ng source,  number one fan kaya ako ng love story nila yieee. Still walang forever!  (Insert bitter ako!)
Napabuntong hininga siya habang naglalakad.

"Honestly Coleen Hindi ko alam." Napataas ang kilay ko sa sagot niya,  paano nangyari yun?  e mag kapit bahay lang naman sila kaya malalaman niya kung nandoon o wala ang lover niya,  o di kaya naman.....

"Sabi niya weekends lang siya sa Baguio,  tapos pag tinatawagan ko siya always busy.  Nag aalala tuloy ako sa kanya" bumuntong hininga ulit siya. kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot,

"Oh. Busy huh!" may pag dududa sa boses ko dahil parang alam ko na yung mga ganitong eksina e.

Napahinto si Maxine sa paglalakad kaya napahinto rin ako,  napansin ko ang gulat sa mga mata niya at para siyang napako sa kinatatayuan niya habang nakatingin sa ibang direksiyon kaya sinundan ko ang tingin niya.
Naningkit ang mga mata ko.  It's Mico holding hands with another woman what the----

"Ouch!  Another woman huh!" Napatingin ako Kay Maxine mapait siyang natawa habang umiiling kahit Hindi niya sabihin alam ko na nasaktan siya sa nakita niya,  ano bang kalokohan yun?  Sino yung kasama ng hinayupak na Mico na'yun?   Nag tatangis na talaga bagang ko sa at akmang susugurin ko na ang sila Mico at ng babae niya ng pigilan ako ni Maxine. 

"Stop.  Let's go" seryoso ang mukha niya at nag simulang maglakad papuntang ibang direksiyon.

"But Maxine----"


 "it's fine" putol niya sa sasabihin ko kaya sinundan ko na lang siya,  humanda ka sakin Mico at ang babae mo!

NAKAYUKOM ang mga kamay ni Maxine habang nakatingin sa kabuohan ng Maxfia academy,  nasa rooftop kami ng building Blue na mayroong taas na eight floors,  dito kasi ako dinala ni Maxine at ngayon ko lang nalaman na pwede palang pumunta sa rooftop haha.

"Sabihin mo nga sakin Coleen,  is he cheated in front of me?" Note a sarcasm. 

"Yeah.  May iba pa bang rason bukod sa nakita natin?" Papatayin ko yung babaing kasama niya.

"Nakakatawa naman, sabi ko na nga ba e dapat hindi ako naniwala sa mga sinasabi niya. A-akala ko iba siya yun pala akala ko lang yun idiot Maxine.."  Mahina siyang natawa, pinag mamasdan ko lang siya at nag oobserba bakit ganun? Nasasaktan siya pero wala man lang akong nakikitang luha na tumutulo sa mga mata niya, o baka naman pinipigilan niya? Pero ramdam ko yung sakit sa mga salitang sinasabi niya.

"Nag paka tanga nanaman ako, ang tanga tanga ko talaga! tama ako e, tama ako lahat sila pare-pareho lang mga mangga!"  Sigaw niya habang nakahawak sa railing.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya usapang PAG IBIG tapos napunta sa MANGGA?

"mangga?" Naguguluhang tanong ko. Ngumiti si maxine pero alam kong fake yun FAKE na FAKE kasi nasasaktan siya pero bakit nakakangiti pa siya ng ganyan?

Unexpectedly LoveWhere stories live. Discover now