Chapter 21: Come Back.

169 6 1
                                    

"Max?  Still on the earth?!" Napatingin ako kay Lanie ng tapikin niya ang balikat ko. 


"Ah.  Yeah sorry, again?" Bumuntong hininga si Lanie. 

"Yung payroll para sa mga employees kailan mo pipirmahan?  Yesterday pa yun e, tomorrow kailangan nasa account na nila ang mga sahod nila." Agad kong hinanap ang envelope na ibinigay niya sakin kahapon,  at ng makita kong ayos naman ang lahat mabilis ko yung pinirmahan.

"Done." Sabay abot ko sa kanya ng envelope.


  "Ayos ka lang ba? Mukhang malalim ang iniisip mo." Halata sa mukha niya ang pag aalala.  "Syempre naman." Sagot ko at ngumiti. Pero mukhang nag dududa siya sa sagot ko.  Hayts.  Ito talagang secretary ni David hindi tumitigil hanggat hindi niya nalalaman ang totoo. 

"Sigurado ka ba?" Paninigurado niya.  "Yup.  kamusta nga pala si David?  Ang lokong yun bakit ba nakipag palit siya ng secretary?" Naiiling na tanong ko.  ngumiti si Lanie.  Hindi ko alam pero sa tuwing mag kausap sila ni David may something akong naamoy.  Hindi basta boss at employee lang ang relasyon nila pero sa tuwing tinatanong ko si Lanie kung merun ba silang relasyon ni David ang laging sagot niya lang sa akin ay 'boss lang talaga' pero feeling ko hindi para sa magaling kong cousin.  "Well mas gusto kitang maging boss kaysa sa lalakeng yun.  dun na siya sa Europe wag na siyang babalik." Natawa ako sa sinabi niya. 

"You're so mean Lanie. Pero kailan naman daw ang balik niya?  kailan niya ibabalik ang secretary ko?" Tanong ko.  Lanie lang ang tawag ko sa kanya dahil tulad kay David  ayaw niyang tinatawag siya ng Ate yun kasi ang tawag ko sa kanya nang una kaso ayaw niya at saka secretary ko naman daw siya. 

"next week. Tatapusin niya lang daw ang mga trabaho niya dun babalik din daw siya agad.  And about sa secretary mo ayaw mo ba sakin? mag  dadalawang buwan na tayong mag kasama ah,  hindi pa ba ako sapat?  Oh come on dear ako nalang ulit." Natawa ako sa inakto ni Lanie.  Hindi na ako mag tataka kung ma-inlove sa kanya si David.  Maganda siya mabait masipag at masayang kausap.  Medyo may pag ka Oa minsan haha.

"Hindi naman sa ganun pero,  baka nalulungkot ang tunay mong boss e diba simula ng itayo ang Maxfia building sa Europe secretary kana ni David?  Baka lang naman hindi siya sanay ng hindi ka kasama. Hindi ko nga maintindihan bakit nakipag palit ang lalakeng yun." Binigyan ko siya ng mapanuksong tingin kaya kumunot ang noo niya.  "Syempre ayaw na niya sakin.". "Shhhh.  Alam mo Lanie Feeling ko may gusto sayo ang pinsan ko." Nanlalaking matang tumingin siya sa akin.  "e.  Huwag kang mag biro ng ganyan Miss president baka maniwala ako." Nasundan ng pag hagakhak ang sinabi niya.

"I'm serious Lanie." "Well no comment ako diyan.  By the way kailangan mo na'rin pirmahan yun nasa red envelope kung gusto mong maumpisahan nang ipatayo ang Maxfia Resto sa Thailand sige una na ako goodnight Miss president." She winked.  At umalis na.  Bakit ba kasi parehas nila ni David niloloko ang mga sarili nila?  Tsk. Tsk. 

Inayos ko na ang mga papeles na nag kalat sa table ko,  at lumabas na ng opisina ko. Halos lahat ng masalubong ko ay nag sasabi ng 'have a good night miss president Max' at puro tango lang ang sagot ko. hanggang ngayon hindi parin ako sanay na tinatawag akong president.  Yeah.  President na ako ng sarili kong company at hindi ako makapaniwala. matapos kong makagradute ng college, pinalipas ko pa ang ilang taon bago tuluyang bumalik dito sa pilipinas.

Pinasok ko agad ang pinag usapan namin ni David Actually hindi nga ako tumupad sa usapanat kakaluklok ko lang bilang President last month dahil kakauwi ko lang naman, sabi noon ni David na in the age of twenty one dapat ako na ang hahawak ng company pero sinira ko yun.  Bumalik ako sa pilipinas at the age of twenty five.  Nagalit si David pero lumipas din yun dahil hindi niya matiis ang dyosa niyang pinsan *evil grin* bumawi naman ako at ginugol ko ang buong atensiyon sa trabaho.

Unexpectedly LoveWhere stories live. Discover now