Chapter 11

464K 18.7K 3.5K
                                    

Chapter 11


NAGISING ako sa kalagitnaan ng gabi. Pupungas-pungas na umalis ako mula sa kama.

"Aki?"

Wala siya sa tabi ko kaya lumabas na ako ng kuwarto. Hindi ko alam kung ano'ng oras na, pero nakikita ko mula sa nahawing kurtina ng bintana na madilim pa. Saan naman kaya pupunta si Aki?

Baka naihi?

Pero pinaihi ko naman siya bago siya matulog. And an hour before kami mahiga ay hindi ko na siya pinainom ng tubig. Hindi rin naman siya pagod maghapon. Nasaan ba siya?

Nakarinig ako ng ingay sa kusina kaya doon agad ako pumunta. Pero kakaiba ang itsura ng kusina. Parang naging bodega. At sobrang dilim kahit binuksan ko na ang ilaw. I cringed.

Anong nangyayari?

Unti-unting nasanay ang paningin ko sa dilim. May pinto sa kanan. Hindi ko alam kung paano nagkapinto ron pero meron ngang pinto.

"Aki?" Natatakot ako pero kailangan kong hanapin si Aki kaya pumasok ako sa pinto.

Natigagal ako nang makita ko si Aki na nakalugmok sa sahig. Pawisan siya, umiiyak, nanginginig.

"Aki, anong nangyari?!"

"Ingrid!" Isang matigas na boses ang pumigil sa gagawin kong paghakbang.

"Wolf?!" Gulat na sambit ko.

Nakatayo siya sa gilid ni Aki at may hawak siyang baril!

"Wolf, a-anong ibig sabihin nito?" nanginginig na tanong ko sa kanya. "B-bakit may baril ka? Ibaba mo 'yan... ibaba mo 'yan..."

Ano bang nangyayari? Gusto kong lapitan si Aki pero hindi ko maikilos ang mga paa ko.

Malungkot na umiling sa akin si Wolf. "I'm so sorry, Ingrid."

"Wolf..." Nanigas ako nang itaas niya ang braso niya at itutok ang baril kay Aki.

"I'm so sorry, Ingrid. But I have to do this." Pagkasabi'y ipinutok niya ang baril.

Halos mabingi ako sa tunog niyon. Pero malinaw sa akin ang paglubog ng bala sa katawan ni Aki. Malinaw sa akin ang pag-agos ng dugo sa sahig.

Bigla akong napaiyak.

Binaril siya ni Wolf. Anong kasalanan ni Aki? Bakit siya binaril ni Wolf?

Napahagulhol ako habang nakatingin kay Aki na hindi na gumagalaw sa sahig.

"I needed to kill him," mahinang sabi ni Wolf.

Hindi ako makagalaw. Tila tumakas ang lahat ng lakas ko sa katawan. Hindi ko matanggap.

Hindi ko matanggap na wala na si Aki. Nang maramdaman ko ang boses ko, ang lahat ng sakit sa dibdib ko ay naipon sa isang sigaw. "Aki!!!"

...

ISANG MALAKAS NA SAMPAL ANG GUMISING SA AKIN.

"Hah!" Hinihingal akong bumangon sa kama.

Nasa tabi ko si Aki at nakatingin sa akin. Nakaupo siya sa gilid ko, nakasimangot ang mukha.

Napatitig ako sa kanya. "Aki?"

"Bangungot ka!"

Bigla ko siyang hinila at niyakap nang mahigpit. Pinaliguan ko ng halik ang buong mukha niya.

"Ew! Panis laway, e!" Itinulak niya ang mukha ko.

Pero niyakap ko siya ulit. Pinaliguan ko ng halik pati leeg at kili-kili niya. "Baby ko!"

He Doesn't ShareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon