Chapter 12

526K 18.2K 3.4K
                                    

Chapter 12

BAKIT PARANG WALA LANG?

Parang wala lang na sinabi ko sa kanya na may anak na ako. Na anak ko nga si Aki. Samantalang ako, pati yata talampakan ko, pinapawisan na. Kinakabahan ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya pero heto at kalmante si Wolf.

Prenteng umupo sa sofa si Wolf. Nakadi-quatro ang mga binti niya. Ang mga kamay niya ay nasa bulsa ng suot niyang jeans habang kaswal na nakatingin sa akin.

Napalunok ako habang nakamasid sa kanya. He's heart-stoppingly gorgeous. And he was sitting on the sofa like he owned the world. Nakakalungkot na posibleng mawala sa akin ang lalaking ito.

"W-wala ka bang sasabihin?" naluluhang tanong ko.

Umiling siya at pinagpag ang tabi niya, pinapaupo niya ako ron. Marahan akong lumakad papunta sa kanya.

"H-hindi ito alam ni Aki..." mahinang sabi ko. "W-walang may alam... maliban sa'yo ngayon... at sa akin..."

Ngayon lang may nakaalam nito maliban sa amin nina Daddy. Kahit ako, ngayon ko lang binanggit ang tungkol dito. Pakiramdam ko, nanginginig pati mga lamang loob ko. Para akong hihimatayin.

Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Wolf, ang marahang pagpisil niya sa braso ko at paghalik niya sa gilid ng ulo ko. Gumaan lalo ang loob ko na sabihin sa kanya ang lahat.

"Nakarehistro siya sa parents ko. Kinailangan. Malaking eskandalo kasi para sa pamilya namin ang pagiging single mother ko sa batang edad..." masikip sa dibdib na kwento ko sa kanya. "Ang bata ko pa noon..."

Pinahid ko ang luhang pumatak sa pisngi ko. Tiningala ko si Wolf. Nakatitig lang siya sa akin. Nakaabang sa mga sasabihin ko pa.

"H-hindi ko gusto... hindi ko alam ang gusto ko nong time na iyon, Wolf. Inayos nina Daddy ang tungkol kay Aki, nakikinig lang ako sa kanila. Nong mga time na iyon, wala akong lakas. Takot ako, pakiramdam ko, wala akong magagawang tama... pakiramdam ko, lalo lang gugulo ang lahat kung magsasalita ako..."

Hindi ko alam bakit kung magkwento ako sa kanya, parang matagal ko na siyang kilala at nauunawaan niya ang pinagdaanan ko.

"Mahal ko si Aki, maniwala ka. Hindi ako masamang tao."

"I know."

"Hindi ko naman siya gustong isekreto habang-buhay. Pero ito lang iyong paraan ko para protektahan siya sa katotohanan na wala siyang daddy. Ayoko na masaktan siya 'pag nalaman niya na wala siyang daddy. Ayokong isipin niyang kulang siya, Wolf."

"I understand." Hinalikan niya ako sa noo.

Ang plano ko, sabihin lang sa kanya na anak ko si Aki. Ngayon kung ano ang desisyon niya, bahala siya. Tatanggapin ko ang magiging desisyon niya. Pero heto at nagpapaliwanag ako sa kanya. Natatakot ako na pag-isipan niya ako nang masama.

"H-hindi ka ba galit na niloko kita?"

Umiling siya at ngumiti ang natural na mapulang mga labi.

"Wolf..." natulala ako ng makita ang ngiti niya. Siguro kasi hindi ako sanay na nginingitian niya ako nang ganito.

"Kung iyon lang ang ikinababahala mo, I'm not mad, Ingrid."

Hinawakan ko siya sa kamay. "Pakiusap ko sa'yo, ayoko sanang malaman ni Aki ang totoo..."

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyong biglang paglungkot ng mga mata niya.

Tumango si Wolf at niyakap ako. "Mamasyal tayo bukas."

Tuluyan nang gumaan ang pakiramdam ko.

Tanggap ako ni Wolf. Tanggap niya kaming dalawa ni Aki.

He Doesn't ShareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon