Chapter 33

342K 12.1K 3.7K
                                    

Chapter 33

"LET HER GO!"

Tila kulog ang boses ni Alamid. Maski ang mga tauhan ni Benilde ay napaurong. Halata na may takot din ang mga ito sa lalaki. Na kilala nila si Alamid.

Napaatras si Benilde. "Alamid, this is not what you think it—"

"Shut up!" Nanlilisik ang mga mata niya nang harapin niya ito. "What did you do to my family, you whore!"

"I'm not a whore!" Tumingin sa akin si Benilde. "Alam mo ba ang ginawa sa akin ng lalaking ito noon?"

"Don't listen to her, Ingrid!"

Nang mahimasmasan ang mga tauhan ni Benilde ay kanya-kanyang hawak ng baril ang mga lalaki. Bumaha ang kaba sa dibdib ko dahil alam kong walang laban si Alamid sa dalawang armadong lalaki, lalo pa at naririto si Aki na kailangan naming isaalang-alang.

Kitang-kita ang pagsaliw ng takot sa kulay abong mga mata ni Alamid nang makita niya ang mga baril na nakatutok sa akin. Sa isang iglap, hindi siya makagalaw.

"Akala ng lahat ang swerte ko? Kasi mayaman ako? No. I am not lucky! I'm not really happy. I am broken! I'm a battered child." Nakangiti si Benilde habang nakatingin siya sa akin. "My stepdad used to hurt me when I was a kid. Pero walang pakialam si Mom, kasi mas may pakialam siya sa pera ng stepdad ko. I promised myself that I'll be a good parent someday. Pero hindi na iyon mangyayari kasi nga namatay iyong anak ko."

"Ipinalaglag mo, Benilde." Nagtatagis ang mga ngipin ni Alamid.

"I didn't kill my child, Ala." Bumangis ang mga mata ng babae. "Ang gulo ng mundo, at ayokong saktan ng mundo ang magiging anak ko. Pero tama lang na sinagip ko siya mula sa mundo dahil kung binuhay ko siya, hindi mo rin naman siya mamahalin! Mas mahal mo ang anak mo sa babaeng 'yan!"

"I'm not the father of your child!"

"How dare you say that?!" Humagulhol si Benilde. Mistulan siyang wala sa sarili habang umiiyak. "I love you, ikaw ang gusto kong maging daddy ng baby ko. But for you, I'm just another submissive toy. Kahit kailan, hindi mo ako pinahalagahan. Ni hindi mo naaappreciate ang mga sakripisyo ko for you."

Lumamlam ang mga mata ni Alamid. "You are free to choose, Benilde. Kahit kailan, hindi kita pinangakuan ng kahit ano."

"Pero ikaw ang gusto kong makasama! Pero anong ginawa mo? Ginawa mo lang akong isa sa maraming babaeng parausan mo! Pero kahit ganoon, minahal kita! Inintindi kita! Pero iniwan mo ako! You let me fuck my own dog—"

"It's not my fault if you're that horny that night, bitch."

"You dumped me like I'm a piece of trash!" luhaang hiyaw niyo.

Humigpit ang hawak ni Alamid sa baril. "Because that's what you really are. A piece of trash."

Tumingin sa akin si Benilde. "See how rude he is?"

Napalunok ako. Wala na sa katinuan si Benilde, kitang-kita iyon sa kislap ng mga mata niya. Kailangan ko nang ialis si Aki rito. Pero paano? Nakaharang na sa daan ang mga tauhan niya.

"He's rude but I love him still. Kahit anong gawin niyan, mahal ko 'yan." Tumawa siya. "I love him so bad, and I deserve every broken part of him."

"Pero hindi nakakabuti sa 'yo, Benilde. Hindi nakakabuti sa inyo dahil hindi kayo para sa isat-isa. Sisirain niyo lang lalo ang isat-isa." 

"No, bitch. I can never give him to you. But I understand your situation. I truly understand why you can't give him up." Ngumisi siya. "That's life, we are all addicted to something that ruins us."

He Doesn't ShareWhere stories live. Discover now