Chapter 26: Ang Huling Pagsuko

721 82 25
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


December 23, 1944.

Ingay ng elesi ng eroplanong pumuputok. Lagablab ng umaapoy na pakpak nito.

Hirap na kinokontrol ni Kenji ang kanyang eroplano. Hawak ng dalawa niyang mga kamay ang control stick at dama ng buong katawan niya ang panginginig ng eroplano. Naglabasan na'ng mga ugat niya sa braso sa hirap, nguni't hindi na niya magawang mahatak ang stick para paangatin ang eroplano. Patuloy ang pagbulusok nito paibaba.

Lumakas pa'ng apoy ng kanang pakpak at nagtalsikan sa ere ang piraso ng mga bakal. Pumaling ang eroplano sa kaliwa, ang usok pumasok pa sa biyak sa salamin ng cockpit at naubo si Kenji nang malanghap ito. Sa gauges ng eroplano, nauubusan na ito ng langis at gasolina, at nagwawala na rin ang ibang mga metro nito.

Pinihit ni Kenji ang lock ng canopy—ang salaming takip ng eroplano, at ini-slide na buksan ito para palabasin ang usok. Ito'y hindi para makatakas—o i-eject ang kanyang upuan pagka't wala nito ang Zero Fighter. Sa katunayan, marami sa eroplano ng mga Hapon ay walang ejection seat. Lalo na ang mga Kamikaze na tulad ni Kenji. Hindi nga sila binibigyan ng parachute at ang kanilang gasolina ay one-way lamang. Ito ang kapalaran ng mga Kamikaze—isang misyon na walang balikan.

Pagkatapos ay tumigil ang elesi. Itinaas ni Kenji ang suot na goggles pagka't wala siyang makita. Alam niyang ito na ang wakas. Tumingin siya sa litrato ng kanyang mag-ina na nakaipit sa gilid ng cockpit at nagpaalam sa kanila. At siya'y pumikit at nagdasal.

Patuloy ang bulusok ng kanyang Zero fighter paibaba.

Tunog ng hampas ng hangin at putok ng apoy.

Pagkatapos ay kadiliman.

#

Hampas ng alon sa dalampasigan. Huni ng mga ibon sa puno.

Nguni't ang gumising kay Kenji ay masasakit na kagat ng langgam sa kanyang mukha. Nagpantal na ito sa kanyang pisngi at nang hahawiin niya ang mga peste'y naramdaman niyang masakit ang kanyang mga balikat. Namamaga ang isa sa kanyang braso na may mahabang galos.

Marahang naupo si Kenji at nakita ang sarili na nasa isang isla.

Maliwanag ang sikat ng araw at siya'y napapikit sa lakas ng sinag. Dinig ni Kenji ang alon, at sinundan ng tenga niya ito't tumayo upang tumungo roon. Suot niyang flightsuit na naramdaman niyang may punit sa bandang tagiliran. Hinubad niya ito hanggang sa kalahati ng katawan, kung saan sa loob, may suot siyang kulay puting t-shirt.

Sa dagat, hinugasan ni Kenji ang sugat sa kanyang braso. Napapangiwi sa hapdi nguni't ang daloy ng tubig ay may taglay namang ginhawa. Matapos maghilamos ay inikutan niya ng tingin ang isla.

Napapaligiran ito ng malalagong puno ng niyog at mayamang halamanan. Kumisiklap ang buhangin sa araw at ang sariwang hangin ay nakagagaan ng pakiramdam. Nguni't, anumang ganda nito'y alam ni Kenji na hindi tiyak ang kanyang kalagayan dito. Nasa isla siya ng kalaban at hindi niya alam kung may tao dito o wala. Una niyang naisip ay ang kaligtasan. Mabilis siyang naglakad paakyat ng beach.

Ang Huling PagsukoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon