CHAPTER 4:

2.1K 57 0
                                    

Hay Babes!! Kamusta?! Sorry ngagon lng makakapag Update but eto na nga mag u-update na 😂 So sana magustuhan nyo.... Ta Ta-

_______________

CHAPTER 4:
(Kyllie's POV)

Nandito kami sa Mall, nang gagalaiti padin ako Kay Gabriella, wala naman akong patunay sa mga bintang ko pero mas mabuti ng maagap kaysa naman maunahan pa ako ng kinatatakutan ko.

    " Mommy can we buy new dresses? " Tanong ni Milan ng makita nya ang store ng Forever 21.

   " Please " Sabay naman nilang Sabi sa akin nila Russia, napatingin naman ako kila Paris at Madrid na parang walang pake sa sinasabi ng mga ate nila.

    " OK " Sagot ko naman

   " Yehey!!! " Sabay na naman nilang Sabi at yinakap ako. Napailing naman ako dahil dito pero natawa naman ako ng mahagip ko si Madrid na umirap. Loko-loko tong batang to ahh, dinaig pa ang pagka maldita ko. Binabawi ko na yung sinabi Kong namana nya ang pagiging maldita ko, mukhang Kay kuya Adriano nya namana ang ugali nyang yan

   " But pagkatapos bumili ng mga new dresses, sila Madrid at Paris naman ang pipili ng store na pupuntahan natin next " Sabi ko naman, tinanguan naman nila ako at agad na hinila ng Dalawa si Gabriella samantala si Paris at Madrid naman ay nakahawak sa magkabilaan Kong kamay habang sinusundan ang mga ate nila.

Sa totoo lng nagseselos na ako sa babaeng yan, to the point na gusto ko ng tawagan sila Raphael at Inigo para ipa-salavage tong babae na talaga to or pwede din naman yung humuhuli ng ahas na napapanood sa National Geographic channel.

Nang makapasok naman kami ay agad ng namili ang dalawa samantala sila Inday at ang mga boys ko naman ay umupu na lng sa isang upuan sa gilid. Sinundan ko na lng sila Gabriella, ang kambal naman ay hirap sa pamimili ng damit

    " Russia, ang cute nun ohh at saka yun oh " Sabi ni Milan sa kapatid habang itinuturo ang mga nagugustuhan nyang damit, hinayaan ko muna silang pumili

   " Oo nga!!! We should tell mommy na gusto natin yun... " Rinig ko namang Sabi ni Russia

   " Wait Russia... Diba Sabi ni Mommy dapat kaunti lng ang bilihin dahil madami pa tayong damit sa bahay, Hindi naman daw natin lahat yun maisusuot at kawawa si Daddy dahil sya ang nagwo-work " Napangiti na lng ako sa mga narinig ko. Natutuwa naman ako at pinapakinggan nila ang mga pangaral ko sakanila

I felt so happy and contented, as If I had achieved something. Nakuntento naman ako sa mga narinig ko kaya tumalikod na ako mula sakanila at nag-umpisang maglakad palayo pero pumintig naman ang tenga ko sa sumunod kong narinig

   " Milan, Russia Pili kayo ng kahit anong gusto nyo... Ako na magbabayad " Sabi ni Gabriella dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

   " Really?!! " Excited na lng tanong ng dalawa na tinanguan nya lng

Kinalma ko muna ang sarili ko before I pasted a fake smile on my face and walk to them. So ganito ang laban na gusto nya? Then so be it

   " Hey sweethearts, you know what? Mommy is really in a very, very good mood so I will let you buy anything you want " Sabi ko sakanila with my British accent ,while Hindi ko tinatanggal ang peke kong ngiti

   " Anything? " sabay nilang tanong sa akin, naniniguro siguro ang mga ito dahil palagi ko silang pinagsasabihin tungkol sa pagbili ng mga bagong kagamitan na hindi naman ganoon ka kailangan. Yumuko naman ako sakanila at nginitian sila.

The Billionaire's Runaway WifeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora