Chapter 9

21.1K 874 214
                                    

KIRA'S POV

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Parang mahihilo ako dahil sa sobrang lapit niya. Ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko. Natauhan ako na biglang lumalapit ang mukha niya sa akin, parang tatama ang pareho naming labi.

Tinulak ko siya malakas ngunit parang wala lang sa kanya iyon. Ngumisi pa siya at dinilaan ang kaniyang labi.

"Are you the one who ordered the three men to come here?" Malamig na sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ako dapat ang mag tatanong niyan. Ikaw ba ang nag utos na patayin si Yassi at Sarah?" I said. Natawa ito ng mahina parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Ako ngayon ang pinag bibintangan mo? You are unbelievable, Kira." Diniin niya rin ang pag banggit sa pangalan ko.

"Bakit hindi mo na lang aminin?--"

"I hate liars, Kira." Malamig na sabi niya. I exhaled in disbelief. Liars? So what should I call him?

"Oh, you're talking about yourself, Ace? Ano tawag sa sarili mo kung ganon?" Nakangisi sabi ko. Nandilim ang paningin niya.

"Don't start with me, Kira."

"You started it, remember?" Sabi ko kaya natigilan ito. Hinablot ko ang kwelyo niya.

"Sa susunod na mabalitaan kong may kinalaman na naman kayo, unting unti ko kayo uubusin." Sabi ko. Tinulak ko na siya at umalis doon.

Hindi ako makapaniwala na ako ang bibintangan niya. Walang sino man sa kasamahan ko ang gumagawa ng sarili nilang hakbang na hindi ko alam.

Sumalubong saakin ang nag aalalang mukha ni Yassi, seryosong mukha ni Daniel at ang kalmadong mukha ni Bea.

"Maguusap tayo mamaya." sabi ko kay Yassi at Daniel. Napalunok naman si Yassi samantalang si Daniel ay tinititigan lamang siya.

Nakataas ang kilay ko nang tinignan si Bea.

"And what are you doing here?" Sabi ko.

"I'm just protecting them, what about you? Did he hurt you?" Nag aalalang tanong niya kaya napangisi ako.

"Now, you're concerned."

"Look! I'm being nice here!" Sabi niya kaya napairap na lang ako.

"Wala siya ginawa saakin at kung meron man, kanina pa nagsimula ang digmaan." Seryosong sabi ko.

"W-what? Wala man isa?" Tanong niya pa. Anong akala niya? Hahayaan ko si Ace na saktan ako? Tss.

"Bakit ba?" Yamot kong tanong.

"I-it's just weird. Sa nga recent na kinakausap niyang mahinahon ay umuuwing may sugat sa katawan o nag hahabol buhay." sabi niya at Hindi pa makapaniwala.

He is cruel indeed.

"So, ano ang pinaparating mo?" Tanong ko.

"B-baka... Wala! don't mind me." Sabi niya at umiling pa. Hindi na ako sumagot pa. Tinignan ko si Yassi tsaka yumuko.

"Mauuna na kami." Maikling sabi ko at hindi na siya hinintay mag salita.

Pagdating namin sa loob ng headquarters sumalubong saakin ang mga assistant ko. Patuloy lang ako sa pag lalakad habang sila ay nakasunod.

"Call the officials of the Headquarters for the important meeting." Sabi ko.

"Copy, M'lady." Tumango ito bago umalis.

Diretso ako pumasok sa conference room. Umupo ako sa unahan na naka dekwarto.

Kailangan namin maging handa sa kalaban lalo na ngayon hindi ko pa rin nalalaman kung sino ang tunay na kumakalaban saakin.

Kung sino man iyon, sinisigurado ako na mahuhuli ko rin siya. Sa mundong 'to, walang katiyakan kung may iba pang nilalang ang namumuhay sa mundo natin.

Mas mabuti na maging handa.

Isa isa dumating sina Reid, Sarah, Yassi, Megan at iba pa. Si Megan ay ang aming pangalawang kamay dito sa loob ng Headquarters.

Siya ang namamahala sa first class, kung saan ang matatagpuan ang magagaling agent dito.

"Since you are all here, let's start the meeting." sabi ko. Lahat sila ay tumango.

"Kung naalala niyo ang dalawang trahedya na nangyari, masasabi natin na hindi lang ang Royal Vampires ang kumakalaban sa atin..." Seryoso ko sila tinignan isa't isa.

"For the first case of incident, Bea was one of the hostages. Kung aalamin natin ng mabuti, hindi maaaring may nag utos sa loob ng RVA na patayin siya sapagkat kinikilala siyang kakampi sa loob ng RVA." Paliwanag ko.

Lahat sila ay tumango maliban kay Megan.

"So what's your point, M'lady?" Sabi ni Megan. Tinaasan ko siya ng kilay. Nag buntong hininga na lang ako tsaka nag patuloy.

"Nirerespeto nila si Bea tulad ng paano nila i-respeto ang mga prinsipe. Mahigpit na pinag babawal rin sa loob na saktan ang isa sa mga malalapit na kaibigan ng mga prinspe..."

"That's why it's too impossible. Pero wag niyo kalimutan na isa pa rin sila sa mga kalaban natin. In this problem, we have to find who is behind all of this."

"What? This can't be! Ang mga bampira ang ating kalaban, paano nangyari iyon?!" Sabi ni Megan kaya tinignan ko siya ng masama.

Nakita ko rin ang pa-simpleng pag saway ni Yassi sa kaniya.

"Pinahintulutan ba kitang magsalita, Megan?" Naiinis na sabi ko. Napapahiyang yumuko ito.

"S-sorry..." Ang sabi niya. Nagbuntong hininga na lang ako at hindi na siya pinansin pa.

"May ikalimang lahi at hindi pa natin iyon natutuklasan, possibleng---"

"I object M'lady! It's Impossible, there's no such thing like ikalimang lahi! Ang dapat nating pag tuunan ng pansin ay ang mga bampira dahil gumagawa lang sila ng paraan para malinlang tayo!" Tutol ni Megan.

Napaisip ako bigla dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko ng mabuti si Megan. She's always objecting my statements, is she hiding something?

Ngumisi ako ng palihim.

"I will assign Megan and Sarah for this case, I want a report immediately. Secure the Headquarter, don't let anyone trespass inside our base. That's all, meeting dismiss."

"Copy, M'lady!" Sabi nila bago isa isa umalis. Napasandal ako sa kinauupuan ko at hinilot and sentido ko.

Matagal nang hindi ko na nakakausap si Reid. Parang sa tuwing na lumalapit ako sa kaniya ay may pinupuntahan itong iba. Hindi ako makahanap ng tyempo para makausap ito.

Kaya kaunti na lang ay maiisipan ko na may tinatago ito mula sa akin.

~~••~~

The Revenge of the Moon Warrior ✔Where stories live. Discover now