Chapter 11

20.7K 863 140
                                    

KIRA'S POV

Ano ang ika-limang lahi? I have to move now! I won't waste any time anymore.

Ano ang ibig sabihin niya? Huwag ako magtitiwala agad agad sa mga nakapaligid saakin? Fuck! I don't have enough clues!

Pumasok si sarah sa room ko at may dalang shot gun. At tila nililinis niya ito.

"Ang lalim ng iniisip ng prinsesa ah!" Pabiro niya sabi at tumungo sa table ko para umupo. Nanatili ang aking mga paa sa mesa ko at nagiisip.

Tumitig ako kay Sarah Hindi kaya siya? Alam ko na may away namamagitan saamin noon pero kilala ko siya hindi niya magagawa iyun.

Pero kailangan ko makasiguro. Napatingin siya saakin.

"H-huy! Ang weird mo ngayon... umayos ka nga!" Sabi niya at tumawa pero nanatili ako nakatingin sa kanya.

Mabilis ako nakapunta sa harapan niya na parang hangin at napaatras siya dahil dun. Kumuha ako ng dagger it has power to kill any creatures. My brother gave it to me.

Sinandal ko siya sa wall. Kinuha ang dagger sa likod ng hita ko. Tinutukan ko siya agad kita ang takot at kaba sa mga mata niya.

"R-rhianne!! A-ano ginagawa mo?! A-are you going to kill me?" Sabi niya pero tinutukan ko parin siya. Nagpalit ang mga mata ko.

"R-rhianne...a-ano ito?? Please..d-dont do this." Nawawalan rin siya ng hininga.

"Tell me, ikaw ba? Ikaw ba ang sumusugod patalikod sa akin? Are you the traitor?!" Hingal na sabi ko. Umiling siya agad agad at may luha tumulo sa mga mata niya.

"Hindi ko magagawa iyan! K-kilala mo ako. Oo, Lagi kita inaaway noon pero pinsan kita! Hindi ko kaya gumawa ng mga bagay na pwedeng ikamatay mo!" Sigaw niya agad ko siya nabitawan. Napaluhod naman siya at hinawakan ang leeg at hinabol ang hininga.

Natauhan ako dahil sa sinabi niya. Nabitawan ko agad ang punyal. Kinain ako ng kuryosidad ko.

"I-i'm sorry Sarah. I-i was just..." Hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil sumisikip ang dibdib ko ng makita siya. Tumingala siya sa akin at puno ng luha sa mga mata niya.

Agad ko siya nilapitan at yinakap ng mahigpit.

"I'm sorry, I was just terrified I dont know what to do anymore! I'm sorry Sarah." Sabi ko. Nag buntong hininga siya.

"O-okay lang, I understand you. Alam mo naman hindi kita matitiis pinsan kita eh!" Sabi niya kaya napatawa ako. Napatawa narin siya kahit puno na ng luha mukha niya.

Bumukas ang pinto ko at nakita ko si Reid at ang P.A ko na si Yassi. Alalang alala ang kanilang mukha tumakbo si Reid sa amin. Hinawakan ako nito.

"Ano nangyari? Are you two okay?" Tumango kami. Tinulungan ko si sarah tumayo at umupo sa upuan ko.

"We're fine... Nga pala bakit ngayon ka lang?" sabi ko hindi siya tinitignan kinuha ko ang punyal at pinaglaruan muna sa kamay ko. Napatingin dito si Reid. Napalunok ito ng laway bago iniwas ang tingin.

Napatingin sa akin si Sarah dahil nahalataan niya rin ang pagtataka ko sa mga inaakto ni Reid.

"Oh, ano nangyari sayo?" Tanong ni Sarah. Sinusuri ko ang kabuoan nito.

"I'm okay, don't mind me." Sabi niya. Ngumiti pa ito. Kung sa tingin niya na madadaan niya ako sa ngiti na iyan, pwes nagkaka mali siya.

"Saan ka nga galing?" Sabi ko habang pinaglalaruan ang punyal.

"Bumisita lang ako sa dati nating school. May kinausap lang ako ng kakilala doon." Rason niya. Tumango na lang si Sarah pero nanatili pa rin ako nakatitig sa kaniya.

Ngumisi ako habang pinaglalaruan ang punyal.

"Alright." Maiksing sabi ko. Nilagay ko ang punyal sa likuran ng aking hita.

"Una na ako. I have to do something in my room. Pumunta kayo kapag kailangan niyo ako." tumango si sarah pero ako hindi. At tuluyan na siya umalis. Kinuyom ko ang palad ko.

Paano ka nakakapunta sa Moonlight Academy eh linggo ngayon? Hindi nag bubukas ang school tuwing linggo at lalo na nakasarado ang mga gates wala man isang tao nandun dahil bakasyon ngayon ng mga estudyante.

Ngayon sabihin mo sa akin Reid. May Tinatago ka ba sa akin? o trinatrydor mo na ako?

----

Nandito ako sa room ng mga weapons ng may nag text sa phone ko.

To: Kira

Don't easily trust to anyone.

I know you're getting confuse about this Fifth Breed so I'm telling you, the enemies are trying to make things more complicated especially between of the two breed.

There will be a war and if you don't want to discuss these with me, all of our people will be killed without mercy.
Meet me in Frend Building at 4:00pm.

From: Velo

Siya ulit? He's the one who were always texting me, I don't even know him!

May narinig ako mga yapak mula sa likod ng building lumalakas ang senses ng pagiging bampira ko. Dahan dahan ako lumabas para sundan ang mga yapak na yun.

Ginamit ko ang pagiging bampira ko para maamoy at malapitan ng paningin ko kung sino iyon at laking gulat ko na makita kung sino ito. Megan? isang katiwala ko? ano ginagawa niya dito?

"Sabihin mo kay Master Reid na naayos ko na ang mga kagamitan. And tell him I need him right now para isa-isahin kuhanin ang lahat na yun.." sabi nito. Sino ang kausap nito?

Ginamit ko ang vision ko para makita ang nilalang na kausap niya.

'Impossible..'

Ito ang sumugod sa room ko! kauri niya ito ibig sabihin marami sila. Baka sila rin ang ika-limang lahi na gusto ko malaman.

Damn! bakit hindi ko ito nalaman sa una pa lang? Hindi ako makapaniwala na magagawa ni Megan saakin ito. Kinuha ko ang dagger sa likod ng hita ko.

Lalapit sana ako ng may tumawag sa kaniya.

"Megan!" boses ni Yassi. Agad ako umatras at nagtago sa pader.

Please don't tell me pati si Yassi ay nagtatraydor sa akin. Nataranta si Megan at mabilis sinabihan ang nilalang umalis at din naglaho ito na parang bula.

Agad nagayos si Megan na parang wala nangyari tsaka seryosong humarap kay Yassi.

"Kanina pa kita hinahanap! Pinapatawag tayo ni Ma'am Sarah!" sabi ni Yassi.

Umirap Bigla si Megan.

"Psh! Ma'am Sarah na tawag mo ah." sabi ni Megan. Napakamot nalang sa batok si Yassi.

"E-ehh hehehe halika na!" sabay hila kay Megan. Tinago ko ang dagger ko ulit at lumabas sa tinataguan ko.

"Yassi, iwanan mo na muna kami.." sabi ko. Pareho sila nagulat at nanlaki ang mga mata na makita ako.

Ngumisi lang ako at nilipat ang tingin kay Megan napalunok siya ng sariling laway.Nag lipat lipat tingin saamin si Yassi.

"Yes po." sabi nito at yumuko at umalis. Naging palaban ang naging mukha ni Meghan tila handang handa na ako labanan.

"M'lady, is there anything you need?" ani nito at nakayuko pa. Ang kapal ng mukha.

"Yes, can you kill yourself as the order of the Princess of the Moon Warrior?"sabi ko. Nag-simula na mag iba ang kulay ng ma mata ko. Kinuyom ko ang palad ko.

~~••~~

The Revenge of the Moon Warrior ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon