Wattpad Original
There are 8 more free parts

Prologue

56.3K 1.7K 219
                                    

Third Person's POV

Sa kalagitnaan ng karagatan ng Celebes matatagpuan ang isang kontinente. Itong kontinente na nakahiwalay sa kabihasnan ay hindi nakikita ng pangkaraniwang tao at hindi nakikita sa kahit anong mapa. Ito ay tinatawag na Wysteria.

Ang Wysteria ay isang kontinente na tahanan ng mga sinaunang nilalang na nakatira sa mundo. Dito, nabubuhay pa ang mga taong naniniwala sa mga salamangka at mga taong may kakayahan gumamit ng kapangyarihan. Sila ang mga tinatawag na imortal.

Nahahati ang kontinente sa tatlong naglalakihang kaharian. Ito ang Waldorf, Mythion at Valeria. Ang mga kahariang ito ay mapayapa sa ilang libong taon na ang nakakaraan. Ang kanilang mga hari at reyna ay ang mga pinakamakapangyarihang imortal sa buong Wysteria.

Tinatawag silang mga imortal dahil wala silang kamatayan at hindi sila tumatanda kagaya ng mga normal na tao. Maaari silang patayin kung nanaisin at paslangin. Walang makikitang matanda sa Wysteria.

Masagana rin ang pamumuhay ng karamihan sa mga mamamayan ng bawat kaharian, pero may mga lugar sa bawat kaharian na naninirahan ang mga simpleng mamamayan, at sapat na sa kanila ang simpleng buhay.

Isang araw, dumating na lang ang isang pangitain na ipapanganak ang isang imortal na magiging kabiyak sa hari ng Valeria. Dumaan ang ilang daan taon at natagpuan nga ang babaeng nakatakda sa hari. Isa itong napakagandang babae na daig ang lahat ng kababaihan sa buong Wysteria, kahit ang reyna ng Mythion ay hindi makakapantay sa angking ganda ng babae.

Mapusyaw at mahabang buhok. Malasutlang balat at malapusong mukha. Ang kanyang mga mata ay tila parang isang manyika at kulay asul ito, katulad ng karagatan ng Celebes. Ang kanyang ilong na tila hinulma ng pinakamagaling na manlililok.

Ngunit, kalabit ng pagtakda ay may bahid ng galit at inggit mula sa ibang mamamayan. Para sa kanila, walang sino man ang nararapat sa hari dahil ang hari ay isang perpektong Wysterian, makapangyarihan at walang papantay. Dahil sa inggit, hindi maiwasan ang pagbalakan ng masama ang nakatakda at isa na doon ang mga taong nasa itaas na nais pumalit sa nakatakda.

•••

Isang babaeng nakakulay itim na talukbong ang naglalakad patungo sa pusod ng kagubatan. Iisa lamang ang kanyang nararamdaman habang naglalakad sa daan na walang kasiguraduhan. Takot. Wala siyang ibang nararamdaman kundi takot mula kanina habang tumatakas siya mula sa mga nilalang na gustong pumatay sa kanya.

Nanganganib ang kanyang buhay dahil sa bagay na inilaan sa kanya para gawin ito. Ang lugar na ito ay puno rin ng mga mababangis na hayop at mga halimaw na kumakain ng imortal.

Masakit na ang parehong mga paa niya at nagkanda sugat-sugat na rin ang mga ito, pero tinitiis niya ang sakit na iyon dahil mas importante na marating niya ang kanyang pakay. Kailangan niyang makausap ang matandang salamankero na tumatawid sa kabilang mundo.

Kailangan niya itong gawin dahil iyon ang nai-atas sa kanya. Nagmamadali siyang naglalakad hanggang sa natanaw na niya ang isang hindi kalakihan na kubo at may usok iyon sa ibabaw. Palatandaan na may tao sa loob. Ang kubong ito ay napapailaliman ng isang malaking puno na ang mga ugat ay yumayapos na bubuong.

Agad siyang tumakbo papunta sa kubo. Mabilis siyang kumatok at nagpalinga-linga siya sa paligid upang masiguro niya na walang nakasunod sa kanya.

"Tao po?! May tao po ba?!" katok niya sa pintuan at napapalingon ulit siya sa paligid. Wala siyang ibang makitang nilalang doon kundi mga naglalakihang mga puno at madilim na kapaligiran. May mga matang nakikita rin siya na sigurado siya mula iyon sa mga maiilap na lobong hindi lumalapit sa mga imortal.

Narinig niya ang langitngit ng pintuan at bumukas iyon at nakita niya ang matandang lalaki na nakaitim na balabal at may mahabang puting balbas. Kitang-kita sa mukha nito ang kulubot na balat. Ang salamankero lamang ang tanging imortal na tumanda dahil na rin sa paglabas nito sa Wysteria.

Immortal's Tale |Immortal Series One|Where stories live. Discover now