Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Tale 🔸 1

27.7K 1.2K 266
                                    

Alessia's POV

"DON'T you ever tell anyone that I'm your sister! Got it, freak?!" bulyaw sa akin ng nakakatandang kapatid ko na si ate Roselle habang nagdadabog ito na kinukuha ang bag para umalis ng bahay.

Bagong lipat kami sa siyudad ng Arada. Pareho na kaming nakapagtapos ng pag-aaral ni ate. Si ate ay kasalukuyan na nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya ng mga textile. Isa siyang manager doon at malaki na rin ang sinasahod niya.

Habang ako naman ay maghahanap pa lamang. Sa edad ko na bente ay sadyang naging kakaiba ang takbo ng buhay ko. Hindi ko alam kung bakit galit na galit ang ate ko sa akin. Pagkamulat ko pa lang ay iyon na ang turing sa akin ni ate. Lagi niya akong tinatawag na 'freak'.

Pero siguro dahil sa kakaiba rin ako at alam niya ang nangyayari sa akin. She calls me a freak because I really am one. I can see things that are not seen by normal people. Sabi nga ni lolo, isa raw akong psychic dahil nakakakita daw ako ng mga hindi nakikita ng mga karaniwang tao.

Human beings are not aware that aside from us, there are other beings living in this world. They are called demons—but not the demonic beings who kill and hurt humans. Sabi kasi ni lolo, demons daw ang tawag sa mga ganoon ng mga tao, yung mga nilalang na hindi katulad sa amin.

Mga takas daw iyon sa kabilang mundo kung saan ay pugad ng mga hindi kauri ng tao. Mga nilalang na natatangi at may kakayahang gawin ang mga bagay na hindi kaya gawin ng isang normal na tao. Laging sinasabi ni lolo na kung makita ko man sila ay dapat hindi ko sila titingnan, pero iiwasan ko sila. Hindi rin daw dapat ako nakikipag-usap sa kanila kung may magtatangka.

Lumaki ako na nakasanayan na makita ang mga katulad nila. Before, I thought seeing them was okay, kaya naman ay sinabi ko iyon sa nakakatandang kapatid ko. But I was just branded as freak and crazy. She even accused me of hallucinating and imagining things. Ayaw niyang maniwala kaya hindi ko na rin siya pinilit, pero hindi na nagbago ang pananaw niya sa akin. I will always be the freak she's claiming me to be.

"Oo, Ate," sagot ko na lang sa kanya at kinuha ko na rin ang sling bag ko.

Nakasuot ako ngayon ng isang maong na skinny jeans. Ayaw sana ni lolo na magtrabaho ako kaagad. Katatapos ko lang din kasing magtake ng licensure exam at hinihintay ko na lang ang resulta kung nakapasa ba ako sa Civil Engineer Board Exam.

It was a difficult exam, but I know I was able to answer the questions. Hindi lang ako sigurado kung pasado ba ako. Sigurado naman din ako na may mali ako roon.

If I fail the exam, I can already see myself being nut-cracked again by my sister. She likes to see me fail and suffer. She never liked me lalo na kung laging nababaling sa akin ang atensyon ng kanyang mga manliligaw o 'di kaya naman ay boyfriend niya. I was branded by her as a slut, kahit hindi naman totoo. Wala akong pinatulan sa lahat ng nagpapansin sa akin. I never had any boyfriend dahil lahat ng mga lumalapit sa akin, si ate ang unang nililigawan at nalipat lang sa akin tuwing nakikita ako. Kahit may nagustuhan pa ako ay napilitan akong tangihan dahil mas lalaki ang gulo kung sasagutin ko.

Nauna nang lumabas si ate. May sarili siyang sasakyan. Pinag-ipunan niya iyon ng makapagtrabaho siya. Alam ko na hindi niya ako isasabay at nakita ko nga na lumarga na si ate at naiwan ako rito.

"Apo, intindihin mo na lang ang kapatid mo," turan ni lolo Sicario sa akin habang hawak niya ang kanyang tungkod na noon pa man ay gamit na niya.

"'Yun naman lagi ang ginagawa ko, Lolo. Hindi ko alam kung kailan si ate magiging mabait sa akin," malungkot kong tugon kay lolo. Siya na lang at si ate ang natitirang pamilya ko dahil pareho kaming naulila noon maliit pa kami.

Isang masalimoot na kaganapan kaya natuklasan ko na nakabukas pala ang aking pang-anim na pandama. Nakita ko kung paanong kinain ang mga magulang ko ng mga demons. Hindi sila kapareho ng mga demons na nakikita ko na hindi nananakit ng mga tao. Nakakatakot sila at mga mukhang halimaw.

Immortal's Tale |Immortal Series One|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon