WBITP-Intro

46 6 3
                                    

Maria Stella Javier POV

"Never ko talaga na imagine na mag-aaral ako sa University na ito." sabi ko sa sarili ko habang tiningnan ang litrato ng paaralan na papasukan ko.

Isa sa makasaysayan na paaralan sa Pilipinas. Gusto ko naman ang paaralan na ito, pero mas gusto ko yung sa lugar namin. Hindi man gaanong makasaysayan ang paaralan na gusto ko pero ito kasing si tatay gusto akong pag-aralin sa mga magagandang paaralan at kilala. Kasi daw pangarap niya daw yun kaya lang sa hirap raw ng buhay nila noon, eh hindi sila nakapagtapos hanggang ikatlong baitang lang sila nakatapos.

Ako nga pala si Maria Stella Javier, 16 na taong gulang. Taga probinsya sa Mindanao. Hindi ko talaga pinangarap na makapunta sa Manila eh. Kasi alam mo na polluted at maramin raw na adik, eh sino ang hindi mababahala. Mas gusto ko pa nga na sa probinsya na lang namin kasi matiwasay at maiwas sa gulo. Meron naman kaming lupain doon sa Manila ngunit ang tiyahin kong matandang dalaga ang nakatira roon.

Umuulan naman nanaman ngayon. Minsan dito sa amin ay naging masaya ang mga magsasaka dahil may tubig na raw ang mga sakahan ng palay. Kasi mas madaling araruhin ang mga sakahan kung may tubig. Kaya advantage na rin ito sa mga magsasaka.

Nandito lang ako sa silid ko at nagmamasid sa kapaligiran mula sa bintana ng aking silid. Natapos ko na rin kasing ayusin ang mga papilis na kakailanganin ko para sa pag-alis ko papuntang Manila at natapos ko na ring ayunsin ang papilis ko para sa scholarship na ibinigay ni mayor saakin. Nagpapasalamat talaga ako sa mayor ng bayan na ito dahil sa pagtulong sa akin sa pag-aaral ko sa kolehiyo.

Habang ako ay tulala dito sa silid ko ay may biglang kumatok sa pinto ko.

"Anak, ali na mangaon na ta kay hapit na alas-diyes wala pa gihapon ka nikaon ug pamahaw" (Anak, halika na kakain na tayo malapit na mag alas-diyes pero hindi ka pa kumakain na umagahan) wika ni nanay sa labas ng kwarto ko.

"Mugawas ra ko karon ma" (lalabas napo ako ma) sagot ko kay nanay. Kaya nagbihis na din ako, tinignan ko ang repleksiyon ko sa salamin. Naka T-shirt na kulay gray, nakashort ng kulay white at nakapusod ang buhok at saka lumabas. Naabutan ko sila Mama, si Papa at ang tatlo ko pang kapatid. Ilang araw na lang ay hindi ko na sila makakasama pang muli dahil aalis na ako.

"Ate ali na" (ate halika na) sabi ng kapatid ko na si Drievan. Kahit na medyo makulit itong isang to eh mamimiss ko parin to eh.

Apat kaming magkakapatid ako yung panganay kaya sa akin din minsan umaasa ang mga kapatid ko. Ang mga kapatid ko na sina Drievan ang pangatlo, si Shaun ang pangalawa, at si Shakima ang bunso.

"Anong ulam natin?" tanong ko sa kanila, habang papaupo na sa upuan.

"Bulad ate, wow si ate kabalo na mo tagalog" (tuyo po ate, wow si ate marunong na magsalita ng tagalog) mangha-mangha na sabi ni Shaun.

"Syempre mularga na gud ko sa Manila"(syempre aalis na ako papuntang Manila) sagot ko sa kanila na may halong yabang. Iilan lang kasi ang nakakapunta sa malalayong lugar ang mga tao dito kaya naman mangha na mangha sila pagnakapunta sa mga lugar na malalayo katulad ng Manila.

"Pero ayawg kabalaka kay pag-uli nako naa moy pasalubong gikan sa Manila" (pero wag kayong mag-alala pag-uwi ko ay maypasalubong kayo galing Manila) tugon ko sakanila na may halong excitement. Kaya ang mga kapatid ko ay sobrang saya habang kumakain kami at panay rin ng kwento si Tatay sa mga nangyari sa kanya habang siya ay nasa bukirin.

Sigurado akong mamimiss ko ang mga araw na ito. Ang oras na sobrang saya namin kahit hindi kami mayaman eh masaya naman kami basta magkakasama kami ay kontento na ang aming pamilya. Pagkatapos ng pananghalian ay pumasok na ako sa kwarto para umidlip.

Napabangon nalang ako sasobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, sobra ding pinagpawisan ang noo ko. At ang lahat ng ito kay dahil sa isa nanamang panaginip na palaging nakikita ko sa pagtulog ko. Ang wierd nga eh halos sa pagtulog ko ay iisa lang ang panaginip ang nakikita ko. Dahil nakasanayan ko na ay binalewala ko nalang ito. At naghanda nalang para sa pag-alis ko kinabukasan. Nag-impake na ako ng mga gamit na gagamitin ko papunta ng Manila. Dalawang maleta ang inihanda ko na para sa mga gamit na isisilid ko. Para ngang habang buhay na ang pag-alis ko dahil sa mga bagaheng nandito.

Halos dalawang oras din ang inabot ko sa pag-iimpake. Tinignan ko ang orasan sa dingding namin. 11:00 pm na pala kailangan ko ng matulog para mas may lakas ako para sa byahe bukas.

....

Nagising nalang ako ng marinig ko ang katok sa pituan. Tinignan ko muna ang oras sa may dingding, 4:00 am na pala. Saka lumbas ng kwarto. At nakita ko si nanay na nasa labas at nakangiti na may lungkot sa mata. Isa talaga ito sa hindi ko gustong makita ang malungkot ang nanay ko.

"Nanay magandang umaga po" sabi ko kay nanay saka niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman ko nalang ang mga luha ko na dumadaloy sa pisngi ko. Hindi ko na makontrol ang pag-iyak ko. Naramdaman ko nalang ang mga haplos ni nanay na nagpapagaan na pakiramdam sa akin. Pero sa ngayon ay mas lalo akong naiiyak dahil alam kong matagal-tagal ko nang hindi ko na ito mararamdaman. Habang tumutulo pa ang mga luha ko ay iniharap ako ni nanay saka pinahiram ang mga luha ko. Nakita ko sa mukha niya ang ngiti pero malungkot na malungkot ang mga mata niya.

"Tahan na anak" sabi niya habang nakangiti kaya ngumiti na rin ako nakakagaan din kasi ang ngiti ni nanay sa mga ganitong sitwasyon.

"Sige na pag-andam na diha kay hapit na mag alas-syite kinahanglan ra ba nga naa naka sa airport duha ka oras bag-o ang flight" (sige na maghanda kana malapit na mag alas- syite kailangan nadoon kana dalawang oras bago ang flight mo) tugon niya habang nakangiti parin kaya tumango na lang ako. Hindi ko mahanap ang eksaktong salita para sabihin kay nanay ang gusto ko lang ay marinig ang kayang mga boses kahit sa sandaling panahon lang. Pumasok na rin ako sa kwarto ko at naghanda na, hindi naman masyadong matagal ang paghahanda ko kasi nakapaghanda na ako kagabi.

Nandito na kami sa waiting area na airport. Ilang sabdali nalang ay tatawagin na ang mga pasahero para pumasok na sa eroplano. Nandito lahat ng pamilya ko. Si nanay, tatay at mga kapatid ko.

Hinihintay na lang namin ang announcement para sa mga passenger. Ilang sandali lang ay nagsalitana yung tao sa speaker na maghanda na raw. Nagpaalam na rin ako sa mga magulang at mga kapatid ko. Nakapasok na ako sa loob ng eroplano. Pero mayron akong pakiramdam na may nagmamasid sa akin, isang pares ng mata na pakiramdam ko sobrang pamilyar ewan ko ba kung guni-guni ko lang yon o ano. Pero hindi talaga ako komportable sa mga tingin niya. Nagpalinga-linga ako sa paligid ngynit wala naman akong nakita. Kaya naupo nalang ako sa may tabi ng bintana. Hindi ako mapakali, binabagabag talaga ako ng mga matang iyon.

'Sino kaya yon? Anong kailangan niya?'

To be continued....

DCsuddenlychange❤

Kung may thoughts kayo about sa story just comment below...

Please don't forget to Vote, Comment, and Share❤ thanks a lot.

Date Updated:
Febuary 11, 2019

Way Back in the PastWhere stories live. Discover now