WBITP-Weird People

23 8 3
                                    

Sa wakas nakarating narin ako sa Manila. Hindi ko talaga  expected na makarating ako sa lugar na to. Well maganda naman ang lugar nato kaso ang init lang. Di kaya ng face ko huhuhu. Pero di bali probinsyana naman ako masasanay rin kaya keri yan.

Nakalabas na ako sa airport so kailangan ko nalang maghintay ng taxi dito para makakapunta na ako sa bahay ng tita ko. Kasalukuyan akong naghihihintay dito ng tumunog ang cellphone ko. Uyy wag kayo kahit mahirap lang kami naka cherry mobile parin ako hahahaha. Tiningnan ko muna ang caller id saka sinagot.

"Hello nay?" bungad ko kay nanay.

"Oh aha man ka karon? Naabot na ba ka? Unsa man imong gisakyan paingon sa balay? Kung magtaxi ka kuhaa ang plate number dayun itext dayun na--"(saan kana ngayon? Nakarating kana ba? Ano ang sinakyan mo papunta sa bahay? Kung magtataxi ka kuhanin mo yung plate number at itext ito sa akin--) pinutol ko na ang sasabihin nanay baka saan pa mapunta ang usapan at baka bukas pa matatapos sa kayraming tanong.

"Nay chill lang diha"( nay chill lang) sabi ko sa kanya.

Nag-usap pa kami ni nanay ng mga ilang minuto at saka ko na rin ito binaba.

Habang busy ako sa katitingin sa nga bahay-bahay sa paligid tinitingnan ko rin ang address na ibinigay ni tatay sa akin.

69, Barangay Madaldal, Kanto Putol Dila Street.

Seryoso ba to? Ba't feeling ko pinagloloko ako ng tatay ko? Feeling ko mga chismosa ang mga tao sa lugar na toh. At dahil sa pagiging chismoso at chismosa nila napuputol ang dila nila!!!! Wahhhhh. Gusto ko nang umuwi.... At parang iba ang pagkakaintindi ko sa number na ibinigay, ewan ko ba kung ano o green lang talaga ang mind ko?

Sumakay na rin ako ng taxi at ibinigay ang address sa mamang dryber. Pero shit na shit lang ha? Ang gwapo ni mamang dryber baka pwede ko nang iuwi ito ang itanan ito. Picturan ko kaya at ipost sa facebook page ng kmjs upang magviral o magtrending tapos iinterbwehin ako  ni ma'am Jessica Soho. Yiee sarap siguro mailabas sa TV. Habang nakatingin ako kay mamang dryber ay bigla itong nagsalita.

"Ma'am did you know staring is rude?" pag-uumpisa niya. Nagitla naman ako sa sinabi niya. Like hello alam ko naman yun no hindi naman ako adik para hindi malaman ang mga words na yun.

"Uhmm mamang dryber. Pesensye ne pe se ekeng negeng kelos" pag-uumpisa ko habang isinasakbit ang aking buhok sa likod ng tenga ko. Yun bang nagpapabebe style. Yaan nyo na ako style ko to.

"Pero mamamg dryber hindi ikaw yung tinitingnan ko. Like hello? Mamang dyber are you high? Nakatingin po ako sa daan sa harap at kinakabisado ko lang ang daan patungo sa amin kasi po bagong salta po ako. At isa pa po alam ko po yung sinasabi nyong staring staring na yan. Linya rin kasi yan ng pabida kong klasmayte eh" paliwanag ko pa sa kanya. Ang mamang dryber naman ay bored akong tiningnan. Problema nito.

"You know miss wag kana kayang dadal ng daldal jan nandito na po tayo. Kung gusto mong magkwento tungkol sa  klasmayte mo eh erecommend mo nalang kaya kay Miss Charo Santos pang-mmk rin kasi ang peg mo eh. Wala ka yatang balak magbayad ng pamasahe eh" sabi niya habang inerapan pa ako. Ayy grabe rin itong mamang ito akala niya wala akong pamasahe. Hmpp. Eh kung isaksak ko sa kanya itong wallet ko, kapal ah? Ayy wag nalang pala allowance ko pala ito ng isang buwan. Baka kung isaksak ko ito kay mamang dryber tapos lulunukin niya ito paano nalang ako? Saan ako pupulutin? Magiging bayaran na ba ako? Paano na ang kinabukasan ko? Paano na ang magiging anak ko? Paano na sina mama? Papa? At mga kapatid ko? Paano nalang? Wahhhhh hindi ko na kaya. I need to release this. Baka kung mapano pa ako. I need to.... i need to.... i need to pee  na. Shit na shit na talaga natatae na talaga ako.

"Miss?" Tawag sa akin ni mamang dyber. Nilingon ko naman sya at ipinakita ko sa kanya ang nahihirapan kong mukha.

"Miss are you okay?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Kinuha ko nalang ang wallet ko at kumuha na 200 pesos at ibinigay sa kanya. Shit na shit talaga natatae natalag ako parang gusto na talagang lumabas ito.

Way Back in the PastNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ