WBITP- Language

16 6 0
                                    


*tiktilaok.tiktilaok*

Mahimbing akong natutulog ng narinig ko ang wake up call ng mga manok. Pero binalewala ko nalang iyon. Pero bakit parang malambot ang higaan dito? Sa pagkakaalala ko ay banig lang ang hinihigaan ko. At isa pa bakit parang sobrang lamig din? Well ganun naman talaga sa probinsya namin malamig kaya hindi na nakakapagtaka kung malamig man.

"Ma sirag-i sa ang kuan beh, kanang bintana kay tugnaw kaayo"(ma pakisara yung ano, yung bintana kasi ang lamig eh) pakiusap ko kay mama habang nakapikit parin. Pero ilang minuto pa eh maginaw parin.

"Ma!!!!!!" sigaw ko pa. Bat ba ang tagal nito. May naramdaman nalang akong may parang kung anong humahampas sa paanan ko.

"Ma naman sina Dreivan ohh, nang-aasar nanaman" sabi ko pa pero parang wala paring nangyayari at nararamdaman ko parin na may humahampas parin sa paanan ko hanggang tumaas ito hanggang sa mga hita ko na. Wahhhhhh nimomolesya ba ako? Olay este okay over na over na yun pero shit na shit lang ha? Hindi parin ito tumitigil like hello? Hindi ba nila alam na tao rin ako at nasasaktan din? Oh diba makasingit lang. Hahahahaha.

"Ma!!!!!!!" Sigaw ko habang napabalikwas sa pagbangon. At nasaksihan ko ang mga kaborders ko na parang baliw na nagcha-chantting habang pinaghahampas ako ng mga dahon. Like hello? Mukha ba akong sinapian? Eh kasi ito yung napapanood ko sa tv na horror, yung hinahampas ng albolaryo yung pasyente nila para daw umalis yung masasamang espiritu.

"Boom labas labas, boom labas labas, labas na labas na boom boom boom" kanta ni Vanilla na parang version ni Willie Revillame na Boom Tarat Tarat habang pinaghahampas parin ako.

"Woohhh labas mga masasamang espiritu sa katawan ng aming kaibigan. Woohh kundi ipapakulong ka namin sige ka!!!" sabi ni Francine. Si Francine naman ay payuko yuko yung parang sumasamba. Baliw na ba sila? Baka inatake kami ng mga zombie galing ng Busan kagabi ng hindi ko namamalayan. Wahhhh paano nalang kong kasali sa inataki nila ay si Tita Imelda? Paano nalang ang pag-aaral ko? Saan na ako pupulutin? Wahhhhh ayoko na!!!!!!

"Hoy mga b-babaeng z-zombies. Kung may virus kayo wag kaayong lumapit sa akin" babala ko sa kanila. Ang dalawa naman ay ngkatinginan na parang nagtataka.

"Hoy how dare to call us zombies!! Like to the O to the M and to the G as in capital letters. We're not zombies that you thought. Nakasinghot kaba ng tawas girl grabe ka makajudge huh? Ikaw nga tong tatanungin namin. You're so alien, 'lam mo yun?" tanong niya pa. Like hello natututulog po ako tapos kung ano ano na ang mga pinagawa nila sa akin tapos tatawagin pa nila akong alien kuno . Duhh. Baliw.

"Di ko alam" sagot ko sa tanong kanina pa putak ng putak yun lang pala ang itatanong. Grave na this.

"Your so pilosopo to the moon and back. Ang ibig sabihin namin na alien chuchu ay nagta-talk ka ng other language na hindi namin gets." paliwanag ni Vanilla with curious  reaction na nagrereflect sa mukha niya.

"You sabi pa nga na siragi ang kuan beeh kay tognaw kaayo? Ayyy ewan ko kung paano yung i-pronounce ng maayos yung mga sinabi mo kanina. Basta yun yung mga sinabi mo" sabi niya habang ginagaya niya yung sinabi ko. Hahahaha nakakatawa yung pagpronounce niya sa mga sinasabi ko hahahaha.

"Ahh yun. Eh akala ko kasi nasa bahay ako dun sa mindanao. At yung language na ginamit ko na sinabi niyo na alien bisaya language yun. At hindi yun alien kasi part yun ng pilipinas na lenggwahe, yan nga yung lenggwahe ni Presidente Duterte eh" paliwanag ko sakanila. Kaya napa 'ahh' naman ang dalawa at mamaya pa ay biglang tumili, grave huh nakakabasag sila ng eardrums.

"Yiee girl you mean marunong kang magbisaya language?" asking the obvious. Isa talaga yan sa mga ugali ng isang tunay na pinoy, bago pa nga lang sinabi yung sagot, magtatanong nanaman alam naman na nila ang sagot hayy. Gets nyo?

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Apr 07, 2019 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Way Back in the PastOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz