Chapter 4: Cursed Queen

33K 900 40
                                    

Pagkatapos namin kumain sa cafeteria dumeretso agad ako sa library at naghanap ng pwedeng mabasa. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa pinakasulok ng library kung nasaan nakalagay ang libro ng tungkol sa 'Curse Ability' kinuha ko ang librong nasa pinakagilid ng bookshelf na masyado ng luma.

Mapapansin na matagal na talaga itong hindi nababasa o nagagalaw man lamang dahil sa mga nakadikit na alikabok at sa kalumaan

Umupo ako sa gilid ng bookshelf kung nasaan ang isang upuan at binuklat ito. Ang unang tumambad sa akin ay ang malaking simbolong kalahating buwan na meroong ulap at sa loob nito nakalagay ang salitang Curse Ability binuklat ko ulit ito at sinimulang basahin.

Curse Ability ay isa sa mga pinakamalakas na abilidad. Tinawag itong Curse Ability dahil ang isa sa mga diyos ang nagsumpa nito na kapag sumapit ang kalahating buwan na nagkulay berde at ang kasabay nito ay ang pagsilang ng isang sanggol ang siyang pwedeng magkaroon ng abilidad.

Sinasabi din na kung sino ang nagtataglay nito ay siya ang magliligtas sa buong Zanvier na magtatapos sa kasamaan ng reyna ng kadiliman

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din nalalaman ang dahilan kung bakit ginawa itong sumpa ng isa sa mga diyos. Marami ang nagsasabi na ginawa niya itong sumpa upang ito ay maging isa sa mga disipolo niya ngunit marami naman ang hindi naniwala na hindi ito totoo n-

Naputol ang pagbabasa ko ng meroon akong narinig na naguusap. Kumunot ang aking noo at nagtataka na sinilip ko ito sa malapit na bookshelf.

Ang kaagad kong nakita ay ang mukha ni Dominique na naiinis na nakatingin kay Victoria na seryoso lamang na nakatingin din sa kanya, para bang wala lamang siyang pakialam.

Binalik ko na lamang ang librong binabasa ko sa bookshelf na kinalalagyan nito at napagpasyahan umalis na sa lugar na iyon.

Mahirap na, baka maramdaman pa nila ang presensya ko. Magiging problema ko pa ito.

Victoria is the holder of the four elements at siya din ang parating nambubully dito sa Fantavian Academy. Ang tawag din sa kanya ay 'Elemental Princess' isa din siya sa mga may dugong royalty ngunit hindi siya nabibigalang sa Queen. Sa pagkakaalam ko ay magpinsan sila ni Dominique.

Si Dominique naman ay kabilang sa royalty na tinatawag din na 'Lava Queen' dahil na din sa ability niyang Lava.

Both of them are a skilled and powerful but they never get along.

Napahinga ako ng maluwag ng tuluyan na akong nakalagpas sa pwesto nina Victoria kaya naman lumabas na lamang ako sa library at dahan dahan tinahak ang corridor.

Papaliko pa lamang ako ng may napansin akong isang bulto ng tao sa isang parte ng corridor kung saan minsan lamang dumaan ang mga studyante.

Parang ako lamang ang nakakapansin dito dahil ang lahat na dumadaan na studyante ay linalagpasan lamang ito. Pansin kong parang may kinakausap ito sa cellphone kaya hinayaan ko na lamang ito at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakaka apat pa lamang akong hakbang ng may biglang kakaibang pakiramdam ang bumalot sa aking sistema.

Ilang segundo din akong hindi nakagalaw bago pumasok sa aking isipan na humakbang ng papaatras at ng tiningnan ko muli ang parte kung saan ko nakita ang bulto ay agad akong nanigas sa aking kinatatayuan ng mapansin kong wala na doon ang kaninang bulto.

Luminga linga ako upang makita kung nandito lamang sa paligid ang kaninang nakita kong tao ngunit sadyang wala talaga akong makita maliban sa mga estudyante.

Napabuntong hininga ako at maglalakad muli ng marinig kong mayroong tumatawag sa akin.

"CY!"

Tiningnan ko ng masama ang lalaking tumatawag sa akin pansin ko din ang mga sudyante na napapatingin dito at ang mga babaeng parang kinikilig.

The Mystery In Her [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon