Chapter 10: Alisia Teacher

23.8K 854 138
                                    

( Miyuri )

Napatingin ako sa pintuang bumukas at pumasok sina Cyrille nakita ko pa ang pagtingin ni Aly sa may benda kong kamay kung saan pinanghawak ko sa vines ni Kaye na may mga lason na tinik.

"Give me your hand." paguutos sa akin ni Aly ng makalapit ito.

Bumuntong hininga ako bago linagay ang kamay ko sa naghihintay na si Aly.

"Bakit mo ba kasi naisipan na hawakan ang mga vines na yun alam mo naman sigurong may may mga lason at tinik iyon?" pagsasalita nito habang sinimulang gamutin ang aking kamay.

"Trip ko lang." walang gana kong sagot.

"Trip mo lang. Wow naman Miyuri bilib din ako sayo." sarkastikong saad niya habang ang iba naman na kaibigan namin ay nakatingin lamang sa amin.

Sa aming magkakaibigan si Aly ang parating nanenermon at ang nagiging magulang namin.

"Guys, pinapatawag pala tayo ni Hm Tanya sa kanyang office." biglang pagsasalita ni Tine.

"Isasama paba natin si Miyuri? I mean look at her."saad ni Nova at tinuro ang kamay kong ginagamot ni Aly kahit may benda.

"Oa ka naman masyado Nova kamay lang ang nasaktan kay Miyuri hindi buong katawan niya." saad ni Ethan na nakatanggap ng batok kay Nova.

"Tama na yan guys we have to go to Hm Tanya baka pumutok naman ulo non dahil sa kahihintay." Monique said.

Tiningnan ko si Aly na ngayon ang tubig na ginamit niya panggamot sa akin ay lumutang na at may lason na nakahalo.

"So that's the poison." biglang saad ni Ethan

"Obviously." pagtataray ni Nova kay Ethan.

"Bye." i said.

"Huh?" nagtatakang tiningnan nila ako habang ako ay ngumisi lamang.

"Wait Miyur-"hindi pa man natatapos ni Aly ang sinabi ng magteleport na ako sa opisina ni Hm Tanya.

Well teleportation, mind reading, at telepathy ang special ability ko.

Nakita ko ang gulat na mukha ni Hm Tanya ng bigla na lamang ako lumitaw sa katabi niya habang ako naman ay pinigilan ko lamang ang aking tawa.

"Sorry." nakangiting paumanhin ko kay Hm Tanya na masama ang tingin sa akin.

"Nasaan ang iba?" tanong nito sa akin kaya ako naman ay dumeretso ng upo sa sofa sa kanyang opisina at tinuro ang kaharap ko din na sofa kasabay ng pagturo ko ay ang biglang paglitaw nina Monique.

Kaya ni Monique na iteleport ang isang bagay o tao pa man, it's actually pretty cool.

"Pwede bang huwag kayong lumitaw ng basta basta na lamang sa opisina ko?" sabi ni Hm Tanya habang nakatingin kina Monique.

"Sorry." Ethan said while smiling.

Umupo naman sina Enzo sa sofa na inuupuan ko habang ako ay tumingin kay Hm Tanya at hinintay ang kanyang sasabihin.

"So what now?" tanong ni Enzo.

"May hinihintay pa tayo."sagot naman ni Hm Tanya.

"Sino?" kasabay ng sinabi ni Tine ay ang pagbukas ng pintuan at pumasok ang mga Royalties.

Tiningnan ko si Hm Tanya na ngayon ay nakangiti na ng malawak habang nakayingin sa mga dumating na tao.

"Buti naman at dumating kayo." nakangiting pahayag ni Hm Tanya.

"Hindi namin alam na may makakasama pala kami." mataray na saad ni Dominique habang nakatingin sa amin.

"Hindi din namin alam na may isa pang kalahi ang prinsesa ng Ondios." ganti naman ni Monique habang nakataas ang isang kilay.

The Mystery In Her [Revising]Where stories live. Discover now