Chapter 8: Leveling

24K 787 14
                                    

Dalawang araw na ang lumipas simula maynangyari sa West forest at ang kaguluhan sa Cafeteria at ngayong araw naman ay ang Leveling.

Ang Leveling ang kung saan namin gagamitin ang aming mga kapangyarihan sa Enchanted Crystal. Simple lamang ang dapat gawin patamaan ang Enchanted Crystal ng aming kapangyarihan at doon namin malalaman kung gaano na kami lumakas at kung may nagbago ba. Dito din namin malalaman ang rank at sa kasalukuyan nangunguna si Rage habang si Alisia ay na sa ika tatlo at ako ang pinakahuli dahil kahit ni isa hindi pa ako lumeleveling.

Dalawang beses ang leveling ang ngayong araw ay ang pagpapatama nga sa Enchanted Crystal at bukas naman ay ang Duel Leveling kung saan ay dalawang tao ang maglalaban at sa Duel Leveling malalaman kung gaano ka kagaling sa paggamit ng kapangyarihan at sa pakikipaglaban.

Kung nagtataka kayo kung paano nila matatapos ang ngayon ang leveling sa Enchanted Crystal ngayong marami ang mga studyante dito sa Academy. Simple lamang ang mga teacher ay minamanipula ang oras sa loob ng Leveling Arena kung saan ginaganap ang Leveling 5 hours na sa loob ang nakalipas pero dito ay baka 2 hours pa lamang ang nakalipas kaya hindi din gagana ang relo sa loob.

Sa ngayon ay anim na oras na ang nakalipas ng magsimula ang leveling habang ako naman ay nandito lamang sa maygarden at nagpapatugtug habang nagbabasa dahil katulad nga ng sinabi ko hindi ako sumasali sa leveling kahit man na sa pinakahuli ang rank ko ang mga kaibigan ko naman ay manononood lang daw sila dahil sa Duel Leveling na lamang daw sila sasali. While me... nahh i'm not interested.

"Just as i thought nandito ka lang." mula sa isang tinig na kilalang kilala ko.

"What do you want Hm Tanya?"i boredly ask.

"You at the leveling." sabi nito sa akin ng tuluyang makalapit.

"I'm not interested." muling saad ko.

"You have to, alam mo naman sigurong pwede kitang e-expel kapag hindi ka pa nagleveling." nakangising saad na nito.

"Alam mong hindi ako interesado sa leveling na yan ever since i enter this Academy." saad ko naman dito.

"Cy, ang mga council na mismo ang nagsabi na kapag hindi ka pa sumali kahit isa sa leveling ay dapat e-expel na kita." pagsasalita nito habang nakatingin sa akin ng seryoso.

"Fine! Tommorow expect me to be there."pagsusuko ko at dinampot ang aking mga kagamitan bago tuluyang umalis.

• • •

The next day.....

Hindi ko mapigilang mapayuko dahil sa mga ibinibigay ng mga studyanteng tingin sa akin. Sino ba naman kasi ang hindi magtataka na ang isng kagaya ko na kahit ni isa na hindi pa sumasali sa Leveling ay nandito sa Arena at nakaupong hinihintay matawag ang kanyang sarili.

Napabuntong hininga na lamang ako at tiningnan si Rage na nakapamulsang umalis na sa gitna ng arena kung saan ginaganap ang paglalaban. Kitang kita ang galos na natamo ni Chad dahil sa kapangyarihan ni Rage at hindi na nakapagtatakang nangunguna na naman ito sa rank.

Rank. Name. CAC
8 - Elien Dareazon. - 90
7. - Fier Six Selzom. - 93
6. - Agatha Marien. - 94
5. - Dominique Pamirion. - 95
4. - Chad Cladeus. - 97
3. - Alisia Lacaster. - 98
2. - Zero Vazilous. - 99
1. Kiyan Rage Zalvaro. - 100

Yan lamang ang ranking ng mga Royalties ang na sa ranking na 10 ay ang prinsesang nakasagutan ko ngunit pwede pa itong magbago dahil hindi pa siya nakikipagduel at ang 9 ay si Victoria naman. Ang CAC ( Crystal Ability Calculation ) ay ang kahapon na leveling sa crystal. Ito ng numero kung gaano kalakas na ang iyong kapangyarihan at ang limit na crystal ay ang number 100 na si Rage pa lamang ang nakakaabot.

The Mystery In Her [Revising]Where stories live. Discover now