Kabanata 20

374K 10.4K 4.7K
                                    

"IF YOU REALLY WANT ME, THEN MARRY ME, HENDRICK MONTEMAYOR."


Namumutla ang mukha ni Hendrick. Naglaho ang init sa nanlalaking mga mata nito. Malamang hindi nito inaasahan ang sinabi niya. Kahit si Camilla ay hindi niya inaasahang masasabi niya iyon.


Nakakatawa dahil alam niya na sexual attraction lang ang meron sa kanilang dalawa, walang ibang feelings na involved, yet she mentioned about marriage. Parang tanga lang.


Masyado siyang natangay sa pinagsaluhan nila. Nakalimutan niya yata na si Hendrick Montemayor ito. Hindi lang ito basta ordinaryong tao. And he made it clear to her that he just wanted her to be his woman. He will soon dump her once he got bored.


Hinintay niyang tumawa ito at insultuhin siya ngunit hindi iyon nangyari.


Tumikhim ito at umiwas sa kanyang mga mata. "I can give you anything, everything, except that."


"W-why?" Ang tinatanong niya ay kung bakit ganoon ang sinabi nito? Bakit wala itong violent reaction? Bakit hindi siya nito pinagtawanan sa pagiging ambisyosa niya?


"Don't you think it's too early for that?"


Napalunok siya. Iba ang pagkakaintindi nito sa tanong niya. Ibinalik nito sa kanya ang tanong niya sa paraang mas naguluhan lang siya.


Bakit ganoon ang sinabi nito? Hindi ba ito nag-iisip? Hindi ba nito naisip na kung marahil ibang babae siya ay malamang na pwede siyang umasa? Paano nga kung umasa siya? Siraulo ito!


Inayos nito ang nakalilis niyang palda. Maging ang panty niya na nasa kanyang mga binti ay marahan nitong itinaas. Tinulungan niya rin itong isara ang fly ng pants nito at siya ang nagkabit ng suot nitong sinturon.


Nang magtaas siya ng paningin ay nagtama ang mga nila. Nakatitig ito sa kanya at hindi niya mabasa ang nasa isipan nito.


Tumikhim siya. "G-gusto mo ba ulit ng kape?"


Nagulat siya nang ngumiti ito. Hinapit siya sa bewang at muli'y sumubsob sa kanyang dibdib. "Camilla... Camilla... You're really a witch..."


Nahaplos niya ang ulo nito. Tila ito malaking tuta na nakadagan sa kanya at nilalambing siya. Nakakapanghina.


Nang umahon ito sa kanyang dibdib ay hinalikan siya nito sa noo.


"Hendrick..."


Pinisil nito ang kanyang baba. "Camilla, I can still give you everything even without marrying you."


Napatango na lang siya. "Then what do you suggest?" sa kawalan ng sasabihin ay iyon ang naibato niya. Mukhang hindi niya na malulusutan ang topic.


"Let's go on a date."


Date?

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now