Kabanata 27

312K 9K 1.8K
                                    

NAALIMPUNGATAN SI HENDRICK sa masuyong mga haplos sa mukha niya. Kahit hindi siya dumilat ay kilala niya na kung kaninong malambot na palad iyon.


"Hendrick?" anas ng malamyos na tinig na punong-puno ng pag-aalala.


"C-Camilla..." Namulatan niya ang nakangiting mukha ng dalaga.


Lumawak ang pagkakangiti nito nang magsalita siya. "Diyos ko! Akala ko kung napaano ka na." Yumakap ito sa kanya at pinaliguan siya ng halik sa buong mukha niya. "I'm glad gising ka na. Akala ko byuda na kaagad ako!"


"He is fine now."


Nagulat siya nang makita ang lalaking nasa likuran ni Camilla. Ito ang kanilang family doctor.


Ngumiti ang batang doktor. "Tinawagan ako ng fiancée mo, H."


"F-fiancée?!" Nangunot ang noo niya.


"Present!" biglang sabi ng babaeng halos nakadagan na sa kanya.


Naiiling na nangingiti ang doktor. "Aalis na ako, H," anito at bumaling kay Camilla. "Stable ang lahat ng vital organs niya, Ms. Honrado, so nothing to worry about. At best wishes sa inyo..."


"Thank you, Doc!" ani Camilla rito. 


Iinot-inot na bumangon si Hendrick sa kama. Bumalik sa alaala niya ang lahat ng nangyari. Nahihiyang napatingin siya kay Camilla na ngayon ay ngiting-ngiti sa kanyang tabi.


"Hi." Napaka-refreshing ng itsura nito.


"H-hello..." Nag-iwas siya ng tingin dito. Napansin niyang naka-damit na pala sila. Siguro si Camilla rin ang nagsuot sa kanya ng t-shirt at pajama bago nito tawagan ang doctor. Marahil ay nag-worry talaga ito ng mawalan siya ng malay during their lovemaking.


"Ang bigat mo pala. Grabe! Hirap na hirap akong damitan ka. Kaya lang kailangan. Baka kasi ma-shock iyong doctor mo kapag naabutan kang naka-bold." Humagikhik ito. "Saka... Sorry ah... Pajama lang ang naisuot ko sa'yo... Ang hirap mo kasi talagang damitan."


Noon niya lang naramdamang wala siyang suot na brief o boxer man lang sa ilalim ng pajama niya.


"Bakit?" takang tanong niya kay Camilla. Paano'y titig na titig sa kanya ang dalaga. Bigla siyang naasiwa.


Lumabi ito. "Ang guwapo ng doktor mo, ano? Saka bata pa para maging doktor—"


Doon na siya tuluyang nagising. "What?!" Halos magbuhol ang mga kilay niya sa sinabi nito.Natatawang yumakap naman sa kanya ang dalaga. "Joke lang! Syempre, wala ng mas gu-guwapo pa sa fiancé ko."


Hindi siya kumibo.


"Nagugutom ka ba?" malambing na tanong nito sa kanya.

The Billionaire's ObsessionOnde as histórias ganham vida. Descobre agora