Kabanata 23

326K 8.8K 2.5K
                                    

"WHAT THE HELL are you doing here?!" Sa condo niya naabutan ni Hendrick si Ava. Hindi niya na tinanong kung paano ito nakapasok. Dumiretso na siya roon at hindi na siya makapaghintay na palayasin ang makulit na babae; malamang kasi ay gulo na naman ang gagawin nito.


Agad itong lumapit sa kanya. Maamo ang mukha. "I'm so sorry, Hendrick..."


Umismid ang mga labi niya. He knew better.


"I'm sorry, please..." She held his hand. "I'm sorry for giving up on you... Hindi ako naging matapang at matiyaga sa 'yo."


Lalong nagdilim ang mukha niya. Itong babaeng ito, ito ang sumpa sa kanya. Ayaw niya na nga itong makita ngunit balik pa rin nang balik. Akala niya nang magpunta na ito sa Milan ay hindi na ito babalik.


Ang maamong mukha ni Ava ay nag-transform sa isang mabalasik na mukha, her true self. "Sino bang pinagmamalaki mo, ha? Iyong bayarang fiancée mo?!"


"Shut up, Ava," mariing bigkas niya. "Sabihin mo ang kailangan mo at umalis ka na ng bansa." Kung gusto nito ng bahay, lupa, kotse, yate, chopper o pera, ibibigay niya. Kahit isang buong isla, kung gugustuhin nito, ibibigay niya. He just wanted her to leave the country for good.


Nagtungo siya bar counter ng condo at nagsalin ng alak sa shot glass. Ngunit mabilis na inagaw ni Ava sa kanya ang shot glass at inihagis iyon sa kung saan.


"What the hell?!" Galit na binalingan niya ito.


"Hendrick... Hanggang kailan mo ba ako gaganituhin?! Na parang balewala ako?! Ako... Ako ang mahal mo, di ba? Kaya nga bumibili ka ng mga babae to satisfy you dahil hindi mo kayang magseryoso sa mga babae. You are not happy dahil malayo ako sa 'yo... Pero nandito na ako ngayon, bumalik na ako... Hindi ka na mag-iisa... I still love you!"


Umatras siya palayo ngunit humabol ito at yumapos sa kanya.


"Hendrick, I love you. I am so sorry for not realizing it sooner..." Sumubsob ito sa dibdib niya at umiyak. "Please, let me love you... Let me be your princess again..."


Princess? Wala siyang matandaan na naging espesyal ang tingin niya rito kahit kailan. Ava was just his childhood acquaintance. Kasosyo sa isa sa mga negosyo ng daddy niya ang daddy ni Ava. Madalas ito sa kanila. Dagdag pa na kung saang school siya naroon ay naroon din ito. Palagi itong nakasunod hanggang sa mag high school sila. She was obsessed.


"I am engaged now, Ava," he said to her.


Natigilan ito at nanalim ang mga mata. "To that whore?"


Hinablot niya ang braso nito at mariing pinisil. "Say that again."


Napangiwi si Ava sa sakit. Nanlalaki ang luhaan nitong mga mata. "Hendrick, you are hurting me..."


Paharabas niya itong binitiwan na halos tumalsik ito.


The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now