"Pareho ng Damdamin" Lyrics

54.5K 2.3K 56
                                    

Title: Pareho ng Damdamin

Original Song by: Lyle Mesina

Youtube account: Lyle Mesina

Copyrights @ Lyle Mesina 2019


Unti-unti tayong nagkalapit

Ako'y sandigan, kaibigan, at karamay

Tumulong din akong maibsan ang sakit

Ngayon, hayaan mo akong gumabay


Habang dinadama mo itong awit

Humawak ka sa aking mga kamay


Sa dami ng pinagsamahan natin

Napapansin ko ang iyong mga tingin

Umaasa akong pareho tayo ng damdamin

Pero ni isa sa ati'y walang umaamin


Pagparte ng landas ay biglang sumapit

Tayong dalawa ay bigla na lang nagkawalay

Ramdam mo ba ang pait?

Magkikita tayong muli, tayo'y maghintay


Sa tagal ng pinagsamahan natin

Hindi ko man lang nasabi ang damdamin

Ako'y napapapikit ng mariin

Wala man lang sa ating nakuhang umamin


Ngayon ako'y nagtatampo

Babae sa buhay mo'y 'di mo kinwento

Kaya pala kaibigan lang ako

Walang pag-asa pag-ibig kong ito


Sa dami ng pinagdaanan natin

Akala ko'y ika'y may pagtingin din

Umasa akong pareho ng damdamin

Ngayon, sakit na dama'y kikimkimin


Please like, comment and subscribe to her youtube channel. Maraming salamat!

Leo and AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon