Epilogue

91.9K 4K 7.9K
                                    

[Epilogue] Third Person POV

April 17, 1997

Dumating na ang bus na babyahe papuntang Manila. Magkatulong na binuhat ni Aries at Glenda ang tatlong maleta na dala nila. Nakahawak naman si Axel sa dulo ng damit ng kaniyang nanay.

Alas-dos na ng hapon, kaunti lang ang pasahero sa terminal. "Aries, sumakay na kayo ni Axel sa bus. Mag-C.R lang ako" wika ni Glenda, hinawakan na ni Aries ang kamay ng nakababatang kapatid. May hawak pa itong red power ranger action figure sa kaliwang kamay.

Umupo sila sa tatluhang upuan. Sa tabi ng bintana umupo si Aries. Sa gitna naman si Axel dahil papatulugin siya mamaya. Pinainom din siya ng bonamin upang hindi ito magsuka sa byahe.

"Ate" tawag ni Axel sabay abot ng isang box. Nababalot ito ng pulang gift wrap. Napangiti si Aries, "Thank you, Axel. Pinag-ipunan mo ba 'to para sa'kin?" pinisil niya ang pisngi ng kapatid at sinimulan itong kilitiin.

Tumawa ang batang paslit saka pilit na kumakawala sa hawak ng kaniyang ate. "Hindi po ate. Galing 'yan kay kuya Adrian" tugon nito habang tumatawa dahil sa pangingiliti ni Aries.

Nang dahil sa sinabi nito, napatigil si Aries at napatingin sa regalo na nakapatong ngayon sa kaniyang hita. "Binigay po 'yan sa'kin ni kuya Adrian bago siya umalis. Ang sabi po niya, sa birthday niyo mismo ko ibigay para hindi niya bawiin 'yung mga laruan na binigay niya sa'kin" ngumiti si Axel saka pinakita ang hawak nitong laruan.

Napangiti si Aries saka ginulo ang buhok ng kapatid. "May pasuhol pa talaga sayo ang kidlat na 'yon ah" wika niya saka natawa sa sarili. Hindi niya akalain na may iniwang regalo si Adrian sa kaniya. Kahit kaarawan ni Aries ngayon, kailangan na nilang bumyahe pa-Manila para malinis na nila ang apartment na kanilang tutuluyan.

Napatitig si Aries sa regalong iyon. Nauna sina Leo at Gian papuntang Manila noong nakaraang linggo. Hindi rin nila nalimutan batiin si Aries sa pager.

Maingat niyang binuksan ang regalo. Hindi niya malaman kung bakit patuloy ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso habang nakatingin sa cassette tape na laman ng kahon na iyon.

Agad niyang kinuha ang Walkman at isinuot ang earphones sa magkabila niyang tenga. Dumating na rin ang mama niya at umupo sa tabi ni Axel. May mga dala na rin itong crackers.

Nagsimula nang umandar ang bus. Hindi malaman ni Aries kung ang dahan-dahang pag-andar ng bus na sinasakyan nila ang nagpapintig sa kaniyang puso o ang maririnig niyang laman ng cassette tape.

Huminga muna siya ng malalim bago pinindot ang Play button.

Nagsimula ang record sa iilang ingay. "Ay, mali" sambit ni Adrian may pinindot ulit ito sa recording radio. Sunod na narinig ang pag-usog ng silya. Tumikhim muna siya bago nagsalita muli, "Hi, Aries. Ito na 'yung huling cassette tape ko, naubos na 'yung ilang binili ko. Hindi ko kasi ma-record ng maayos kaya pasensiya na kung medyo magulo 'yung simula ko kanina"

Natawa si Aries, naglalaro ngayon sa kaniyang isipan ang hitsura ni Adrian habang nag-rerecord. "Hindi ako sanay mag-gitara kaya piano na lang" patuloy nito, narinig muli ang pag-usog ng silya. Maging ang pagbagsak ng pencil holder na nasa tabi ng keyboards. Hiniram lang iyon ni Adrian kay Gian at sinabing kailangan niya lang para makagawa ng kanta.

"Bad trip naman... Sorry, ang gulo na tuloy" wika ni Adrian saka pinulot ang mga lapis at ballpen na laman ng pencil holder. Hindi niya sinasadyang masagi iyon dahil sa kaba.

Kasunod niyon ay narinig ang pagbukas ng pinto, "Adrian, mukhang uulan na. Kunin mo na 'yung mga sinampay sa labas. Tuyo na rin 'yung brief niyo ng lolo mo" utos ni lola Amor, napakamot na lang ng ulo si Adrian saka hinawakan ang radio recorder at agad pinindot ang 'Pause'

Leo and AriesWhere stories live. Discover now