2

512 26 2
                                    

You're Kind of Amazing

Rosé

Pagkauwi ko ng bahay wala pa sina Miggy at Kean tinawagan ko naman ang dalawa pero Hindi sila sumasagot nagluto muna ako ng bigas at pagkatapos nun ay humiga Na muna nakatanggap naman ako ng text galing Kay Ynna

Ynna: nakauwi naba sina Kean?

You:hindi PA , wag kang atat

Ynna:hindi yan tinext ko, si Miggy kasi mukhang may sama ng loob sayo

You: salamat sa information, wag kana maki usyoso


Ibinaba ko Na ang cellphone ko at naghintay sa labas ng bahay, magdidilim Na, lumingon ako sa kanan ko at nakitang may naka park Na itim Na sasakyan , nakatingin saakin ang Tao roon nang mapansin nilang nakita ko sila ay lumarga Na Ito

"Weird" bulong ko

"Ate!" Rinig ko si Kean Na tumatakbo

"Mag hinay hinay ka nga !" Pagsuway ko

"Si Miggy?" Tanong ko

"Nakasunod" sagot niya

"Saan kayo galing? Halos magdidilim Na?" Tanong ko habang pinupunasan ang pawis niya

"Pwede ba? Hindi Na ako bata!" Suway niya

"Aba! Baka sabihin ko sayo, ate mo parin ako! " suway ko sakto namang dumating si Miggy Na mukhang naluluha Na

"Miggy? Ayos ka lang ba?" Tanong ko

"Ayos lang ako" sagot niya

"Hindi mo man lang ba ako yayakapin?" Tanong ko

"Tsss Hindi Na ako bata ate, 17 years old Na ako" reklamo niya

"Ito naman? Ate mo parin naman ako ah?" Sagot ko

"Ate? Eh Hindi mo nga magawang puntahan ako sa school" sagot niya at nilagpasan ako

"Sandali? Bakit ka nga Pala nakipag away?" Pigil ko sakaniya

"Wala Na sayo iyon" sagot niya at pumunta Na sa kwarto niya

"Ang sabi ng guidance nakipag away Ito dahil tinutukso Ito ng mga kaklase niyang mga lalaki" si Kean

"Si Miggy? Tinutukso?" Tanong ko

"Napaka Impossible mo naman ate, Hindi mo man lang alam ang nangyayari sakaniya sa school" ani Kean at lumakad narin sa kwarto niya

"Bakit ba ang susungit ng mga kapatid ko?" Bulong ko

.....

After that night Hindi Na ako kinausap Ni Miggy, alam Kong Mali yong ginawa ko Hindi ko man lang alam kung ano ba talaga ang nangyayari sakaniya sa school nila, he's getting bully pero Hindi ko man lang siya naipaglaban , that was my obligation pero Hindi ko nagampanan

"Ate, papasok Na kami" paalam Ni Kean

"Sige , ingatan mo si Miggy, kausapin mo nga Pala siya " utos ko

"Bakit ako? Ikaw yong may Mali " suway niya

"Nakita mo naman siguro Na Hindi ako pinapansin" ako

"Gawan mo ng paraan, paano ka ma aappreciate nun kung Ni effort wala ka" ani niya at umalis Na

Pumasok Na rin ako sa opisina dahil kailangan pagdating ko dun nakatingin si ynna saakin ng may thumbs up sa kamay

HIS SECRETARYWhere stories live. Discover now