6

282 17 5
                                    

"I won't leave"

Miggy

"Wow bro. Ang hot ng babaeng yun" biro Ni jas sabay talikod sa balikat ko

"Bitawan mo nga ako" inis Na sabi ko

"Kakaiba ka pala bumingwit pareh!" Si Casper

"Baka naman pwedeng mahingi number ng chix Na yun?" Si Ralph

"Tantanan niyo nga ang ate ko" pag Amin ko dahil Hindi Na ako natutuwa sa mga pinagsasabi nila

"Ate mo yun?" Tanong nila

"Tsss.. Umalis nga kayo sa harapan ko" pagtataboy ko
Lumapit naman saakin bigla si Yumi

"Juan Miguel?" Tawag niya saakin nilingon ko naman Ito

"Pwede ba tayo mag usap?" Aya niya

"Para saan? " tanong ko

"Dun sa babaeng nagpunta rito" aniya

"Wala akong gana makipag usap sayo Yumi" ako

"akala ko ba single ka? Pero bakit kanina lang may hinalikan sa pisnge?" Pagseselos niya nakakarindi Na talaga ang babaeng toh

"Ano bang pakialam mo kung may hinalikan akong babae?
Tigilan mo Na ako pwede?" Sabi ko napansin ko namang nilingon niya ang lunch box ko agad naman niyang kinuha Ito at ibinagsak sa lupa mabuti nalang at Hindi nasira pinulot ko Ito at tinignan siya

"Bakit kapag galing saakin ayaw mo? Tinatapon mo! Tapos pag sa iba tinatago mo!" Sigaw niya

"Dahil para saakin ang mga bagay Na galing sayo ay walang saysay kagaya mo! Walang kwenta!" Sigaw ko napatayo naman ang mga kaklase namin at tinignan kame

"Kailangan mo bang itapon toh!" Dagdag ko

Para saakin ang mga bagay Na galing Kay Anning ay espesyal at importante malaki ang pasasalamat ko dahil naging kapatid ko siya

"Ganun ba sya ka Importante sayo!" Sigaw Ni yumi

"Oo!"sagot ko at tumalikod Na sakaniya pero pinigilan niya ako

" ilang beses ba kita kailangang habulin! Juan Miguel!"sigaw niya habang naiiyak

"Hindi mo Na dapat ako hinahabol dahil madadapa at madadapa ka lang" diin Kong sabi at lumabas Na

Tang*na namang babaeng yun
Pag nagkataong nabasag toh wala Na akong pag lalagyan ng lunchbox at wala rin akong kakainin ngayon
Umupo ako sa canteen at binuksan ang lunchbox ko mabuti nalang Hindi talaga nasira

"Hi Miguel" bati Ni Amanda

"Anong kailangan mo?" Malamig Na tanong ko

"Narinig ko ang sigawan niyo Ni Yumi kanina mukhang desperada nga siya" aniya at umupo sa tabi ko

"Makikikain sana ako" sabi niya at hinila ang pagkain ko

"Wala ka bang lunchbox?" Tanong ko habang tinitignan  siyang kumakain  gamit ang kutsara ko kakaiba rin tong isang toh

"Wala eh, nasanay Na akong nakikikain" sagot niya habang ngumunguya

"Tsss Hindi ka lang nakikikain, nambuburaot kapa" bulong ko

"Gusto mo?" Aya niya

"Sayo Na yan! Akin yan tapos tatanungin mo ko kung gusto ko? Patay gutom" sagot ko

"Wala kang tubig? Or juice?" Tanong niya sabay kindat

"Ayan" ani ko at ibinigay ang lalagyan ko ng tubig

HIS SECRETARYWhere stories live. Discover now