5

301 15 0
                                    

Rosé

"Half day ka ngayon?" Tanong Ni Kean habang nasa hapag kainan kame Na bigla kasi sila dahil pagdating nila may nakahanda nang pagkain sa lamesa at mas nauna PA ako sakanila

"Oo, pinayagan naman ako Ni boss" paliwanag ko

"Half day tapos dala mo lahat ng gamit mo sa opisina niyo?" Si Miggy

"You got fired Anning. Magsisinungaling ka PA" si Kean

"Hayaan niyo maghahanap PA naman ako ng iba" ako

"Sa tingin mo may tatanggap PA sayo? Nasa sikat ka Na ngang kumpanya nagpatanggal ka PA" malamig Na sabi Ni Kean

"Hindi ko naman ginusto yun Kean, ayoko rin Na iniisip ng lalaking yun Na siya ang bumubuhay saatin" ako

"Bakit? Hindi ba siya naman talaga?" Si Miggy

"Pinaghirapan ko ang sahod ko kaya akin yun Hindi sakaniya" sumbat ko

"Well, I guess wala ka nang choice kung di sumama saakin pabalik sa Mansyon" si Kean

"No. Ayoko. Nakausap ko Na si ynna at ang sabi pwede daw tayo sa bahay nila tumira" malamig Na sabi ko sabay baba ng kutsara ko

"Makikitira tayo sa babaeng yun?" Si Kean

"Pinilit ka ba niya?" Tanong niya

"No Kean ako mismo ang nakiusap sakaniya, wag mo nang itaas PA yang pride mo dahil Hindi tayo mapapayaman niyan" saad ko at uminom

"Sige, doon kayo tumira Pero Hindi ako sasama sa inyo, kukunin ako Ni Tita Alva bilang anak niya kaya sa ayaw at sa gusto niyo sasama ako sakanila, para Na rin bawas ako sa mga gastusin niyo" sabay tayo Ni Kean

"Aalis ka?" Tanong Ni Miggy Kay Kean

"Kean! Sa lahat ba naman ng sasamahan mo? Bakit kina tita Alva PA?" Sigaw ko at tumayo

"Bakit ba ayaw Na ayaw mo sakanila Ni Tito Michael!" Sigaw niya pabalik

"Hindi ka sasama sakanila Kean!! Hindi mo kami iiwan Ni Miggy!"banta ko

" edi sumama kayo saakin!"si Kean

"No.! " ako

"Bakit ba Anning?" Tanong. Ni Miggy alam kung gusto nitong sumama Kay Kean
At sa tanong niyang iyon bigla akong natahimik

"Tinatanong ka Anning!" Sigaw Ni Kean sabay hampas sa Mesa

"Ayoko!" Mahinang sagot ko

"Sasama kayo saakin!" Utos Ni Kean sabay talikod lalakad Na sana siya palabas pero pinigilan ko

"Tinangka akong gahasain Ni Tito Michael noon PA!" Sigaw ko at humagolgol nilingon naman ako Ni Kean at si Miggy kitang kita sa mukha nila ang gulat

"Anong sabi mo?" Si Kean

"Natatakot ako dahil baka kapag bumalik tayo doon ay ulitin niya iyon, ayokong sirain niya ang buhay ko Kean, isipin mo naman minsan Na ate mo ako, ako ang mas matanda sa inyo Ni miggy kaya dapat ako ang sundin niyo" paliwanag ko habang umiiyak at pumipiyok PA ang boses ko

Nakakahiya mang sabihin pero pakiramdam ko nandidiri ako sa sarili ko kapag naiisip ko yon kahit Na sabihin Na nating Hindi niya ako nagalaw ay diring diri parin ako

"Totoo ba yan?" Tanong Ni Kean habang palakad saakin tumango naman ako at pinunasan ang luha ko, naramdaman ko Na lang Na niyakap ako Ni Kean sabay halik sa noo ko

Kapatid ko nga siya.

"Sorry, dahil Hindi ko man lang inalam ang side mo" sabi niya lumapit naman si Miggy sabay yakap saakin at hinalikan ang pisnge ko

HIS SECRETARYWhere stories live. Discover now