Chapter 43: Surprises

776K 11.7K 480
                                    

A/N: Thanks pa rin sa walang sawang pag support :) Busy kaya nag uUD na lang ako pag may time :)

 

Don’t forget to VOTE and COMMENT po kayo about the story for inspiration lang :) And do FOLLOW ME if you want to :)

 

Enjoy! Love lots :*

 

======================

 

(Violet’s P.O.V)

 

Busy naman ako ngayong araw na toh. Ayaw man akong payagan ni Kyle na pumasok dahil may sugat pa rin ako sa noo ko, wala rin siyang nagawa. Maayos naman na kasi talaga ako. Okay, maliban nga lang sa sugat ko pa rin sa noo pero maayos naman ang pakiramdam ko.

At yung tungkol naman kay Eric? Nakakulong siya ngayon, Kyle made sure of it. At kahit naki-usap sa akin si Mr. Garry Montano, wala rin naman akong magagawa dahil alam kong di papayag si Kyle na hindi ito makulong.

Mr. Garry Montano is obviously a good man but unfortunately his son isn’t.

Nasa kalagitnaan naman ako ng pagpipirma ng mga importanteng papeles nang may kumatok sa pintuan at pumasok roon si Jenna.

“Miss Violet, your daughter is here.”, sabi naman nito

At pumasok nga si Kaylee na agad dumiretso sa kinaroroonan ko at nagpakandong.

“Hey baby, what are you doing here? Where’s your yaya Lourdes?”, tanong ko naman sa kanya pero umiling lang siya

Medyo nanibago naman ako sa anak ko. Ang tahimik kasi niya ngayon. Agad ko namang nilagay ang kanang kamay ko sa leeg niya pero di naman siya mainit kaya wala siyang sakit.

Napatingin naman ako sa kanya at napansin kong napapapikit na ito.

Napangiti na lang ako. Mukhang napagod lang ang baby ko. Siguro napagod kakalaro naman sa school nila. Ang hyper kasi niya. Tumigil naman muna ako sa ginagawa ko at hinayaan ko na lang ang anak kong matulog sa kandungan ko.

Napatingin naman ulit ako sa pintuan ng office ko nang bumukas yun. Pumasok naman si kuya Kevin na mukhang nagulat nang makita si Kaylee na natutulog ngayon sa kandungan ko.

“Do you need something, kuya?”, tanong ko naman sa kanya

“Ah, may ididiscuss lang sana ako sa’yo pero bukas na lang. Baka magising si Kaylee.”, nakangiting sabi naman niya na lumapit at hinalikan sa noo ang pamangkin niya. “Sige na, iuwi mo na si Kaylee. I’ll just see you tomorrow.”, sabi naman ni kuya Kevin na nginitian ko na lang siya at tinanguan bago ito lumabas sa office ko

Kahit si kuya Kevin ang president ng company, trinatrato niya ang mga empleyado niya ng pantay-pantay kahit ano pang posisyon mo. Saan ka naman daw nakakita ng CEO ng company na siya pa talaga ang pumupunta sa office ng mga empleyado niya para kausapin. Kaya ganun na lang nirerespeto ng mga empleyado ng AC si kuya Kevin.

The Billionaire's QueenWhere stories live. Discover now