Chapter 47: Too Much

753K 11.5K 1.2K
                                    

A/N: Sorry, ngayon lang ang UD. I’ve been busy eating XD. Anyways, thanks for the wait. And thanks a million again with the support :)

 

Don’t forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)

 

Enjoy! Till the next UD!

 

====================

 

(Violet’s P.O.V)

 

“Shanelle… baby.”

 

Unti-unti ko namang minulat ang mata ko at napatingin kay Kyle na marahang niyuyugyug ako sa balikat. Doon ko lang namalayan na nakatulog pala ako.

Wait… what’s Kyle doing here in my office?

“Kyle? W–What are you doing here?”, tanong ko naman sa kanya nang umayos na ako ng pagkaka-upo ko

“Para sunduin ka.”, sagot naman ni Kyle

“H-Huh? San tayo pupunta?”, tanong ko naman ulit sa kanya

Napakunot-noo naman siya. “Baby, have you forgotten about Kaylee’s school program?”

Oo nga pala. May school program si Kaylee and we need to be there. Napatingin naman ako sa relo ko. It’s 4:30 in the afternoon. May 30 minutes pa bago magsimula ang school program nila.

Three days na rin simula ng magkaayos kami ni Kyle. Nakaalis na rin ng bansa si Josh para ayusin ang nalalapit na kasal niya.

“Ah… oo nga pala. Sorry, mukhang wala pa sa tamang huwisyo ang utak ko.”, sabi ko naman habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

“Are you okay? Masama baa ng pakiramdam mo?”, tanong naman sa akin ni Kyle na mahihimigan ng pag-aalala ang boses nito

“No, I’m okay. Napagod lang siguro ako. Medyo madami kasi kaming ginagawa ngayon sa office e.”

 

“Are you sure?”, Kyle

Tumingin naman ako kay Kyle saka ngumiti at tumango. I need to assure him I’m fine. Masyadong nag-aalala e.

“Just don’t overwork yourself baby. Baka tuluyan ka ng magkasakit niyan. Napapansin ko pa naman na parang palagi kang pagod kaya palagi ka na ring late gumising pag umaga.”, sabi naman ni Kyle na matamang nakatingin sa akin

I just smiled at him and gave him a light peck in the lips. “I won’t. Let’s go.”, sabi ko naman sa kanya at humawak na ako sa braso niya at sabay na kaming umalis papunta sa school nina Kaylee.

The Billionaire's QueenDove le storie prendono vita. Scoprilo ora